ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Lalaking naghihintay sa kaniyang misis, patay sa pamamaril
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi kilalang salarin sa San Jose del Monte, Bulacan nitong Huwebes ng gabi.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, kinilala ang biktima na si Rolando Bokbok, na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan.
Hinihintay lang umano ni Bokbok ang papauwing misis nang lapitan ito ng salarin at pagbabarilin.
Ayon sa isang saksi, nakarinig siya ng walong putok ng baril at sunod nang nakita na nakatumba na ang biktima.
Dati umanong gumagamit ng iligal na droga si Bokbok at sumuko na sa Oplan Tokhang.
Iniimbestigahan pa ng pulisya kung sino ang nasa likod ng krimen at motibo ng mga salarin. -- FRJ, GMA News
Tags: crime
More Videos
Most Popular