ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
AYON KAY BONG GO

Japan PM Abe, bumisita sa bahay ni Pangulong Duterte sa Davao City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Binisita ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang tahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City nitong Biyernes ng umaga, bilang pagtupad sa nauna nang nakasaad sa itinerary ng lider ng Japan.

Batay sa Facebook post ni Special Assistant to the President Secretary Christopher "Bong" Go, ipinakita pa ni Duterte kay Abe ang kanyang kwarto, at doon sa kanyang kama makikita pa ang isang puti na kulambo.

Naghain ang pamilya Duterte ng biko, suman, kutsinta, at mongo soup para sa kanilang special na panauhin, na nagkataon lang namang isa sa pinakamakapangyarihan tao sa buong mundo. 

Ayon sa FB post ni Go, nanatili ng 45 minutes si Abe sa bahay ni Pangulong Duterte, at ang 10 minuto nito ay ginugol sa loob ng silid ng Pangulo.

Kumain din si Abe ng Durian, isa sa pinakasikat na prutas sa Davao.

 

—LBG, GMA News