Sang'gres on TWAC part 2, ngayong Miyerkules sa 'Tonight with Arnold Clavio!'

Sa ikalawang bahagi ng interview ng mga “Sang’gre ng Encantadia” sa Tonight with Arnold Clavio, tuluy-tuloy ang bukingan at kulitan nina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Kylie Padilla at Glaiza de Castro.
Magpapatuloy ang pagsalang nila sa segment kung saan sila mismo ang magsasabi o aaminn kung sino sa kanilang apat ang tinutukoy sa triviang babanggitin ni Igan. Kaya’t siguradong marami pa kayong matutuklasang bagong impormasyon tungkol sa kanila!
Kung sa Part 1 ay nagkaroon ng kanya-kanyang performance ang mga Sang’gre, magsasama-sama naman sila sa pagkantasa Part 2!
Matapang din silang haharap sa isang challenge kung saan huhulaan nila ang laman ng kahon habang naka-blindfold. Saksihan kung bakit todo ang pagtili nina Sanya, Gabbi at Kylie habang parang sisiw na sisiw naman ito at wala halos reaksyon si Glaiza. Sasagutin din silang apat sa maiinit na tanong mula sa mga netizens!
Abangan ang ikalawang bahagi ng masayang kwentuhan at kantahan kasama sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Kylie Padilla at Glaiza de Castro. Ngayong January 18 na, sa Tonight with Arnold Clavio!
I-follow ang twac sa twitter: @twacofficial at gamitin ang hashtag na #SanggresOnTWAC2 at para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio at i-follow ang instagram account na @TWACofficial