ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

20-anyos na babae, brutal na pinatay at ibinitin pa sa puno sa Subic


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Natagpuan ang bangkay ng isang 20-anyos na babae na brutal na pinatay at ibinitin pa sa puno sa Subic na nakabitin sa puno sa matalahib na lugar sa loob ng Subic Bay Freeport Zone. May nakita ring bagay sa maselang bahagi ng kaniyang katawan.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas," nitong Huwebes, kinilala ang biktima na si Angelique Bulatao, 20-anyos, residente ng Hermosa, Bataan.

Base sa imbestigasyon, nasa apat na araw nang patay ang biktima na nakita nitong Lunes.

Nagtamo siya ng mga sugat sa ulo at may nakatusok daw na matigas na bagay sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

Maaari umanong ginahasa ang biktima na apat na buwang buntis, ayon sa kanyang mga kaanak.

Kuwento ng lola ng biktima, tatlong lalaki na manggagawa sa isang planta sa lugar ang dinampot ng Hermosa police.

Isa raw sa mga ito ang hinihinalang kasintahan ng ina ng biktima pero kaagad din daw pinalaya.

Sa hiwalay na ulat ng GMA News TV's "Balitanghali," sinabi ng lola ng biktima na Biyernes nitong nakaraang linggo nang huling makitang buhay ang biktima.

Nagpaalam lang daw ang kaniyang apo na bibili lang ng barbecue pero hindi na nakauwi.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente at pagtukoy sa salarin. -- FRJ, GMA News

Tags: crime