ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kim Domingo, nagdiwang ng kaarawan sa isang home for the elderly


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dahil malapit daw siya sa kaniyang lola, pinili ng Kapuso Pantasya ng Bayan na si Kim Domingo na ipagdiwang ang kaniyang kaarawan sa isang institusyon na kumakalinga sa mga nakatatanda.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing nag-celebrate ng kaniyang kaarawan si Kim sa Blessed Home Care, kasama ang mga kinakalingang lolo at lola.

Malapit daw siya sa kanyang lola kaya niya napili ang nasabing institusyon kung saan inawitan niya, at hinandugan ng mga regalo ang mga nakatatanda.

Kasama ni Kim sa Blessed Home Care ang napapabalitang nobyo ni Kim na isang basketball player.

Umiiwas ang dalawa sa kamera at namula pa si Kim nang tanungin tungkol sa kaniyang love life.

"Basta happy ako. Maraming blessings yung ang importante, happy tayo sa buhay natin," saad ng dalaga.

Malaki ang pasasalamat ni Kim sa mga biyaya na kaniyang natatanggap tulad ng mga TV project, pelikula at may isa raw na malaking endorsement na nakalinya.

Itinuturing din niyang dream project ang makatrabaho ang Cannes Film Festival Best Actress na si Jaclyn Jose.

Magkakasama ang dalawa sa Kapuso dramedy na "D' Originals."

"May pressure siyempre, Miss Jaclyn 'yon eh," natatawang pahayag ni Kim. Pero wala akong masabi kay tita [Jaclyn] sobrang bait sa akin, sa lahat sobrang bait niya." -- FRJ, GMA News

Tags: kimdomingo