ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Babae, patay matapos barilin sa loob ng pampasaherong multicab sa Davao City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang babae ang kaagad namatay matapos siyang barilin habang nakasakay sa isang pampasaherong multicab sa Davao City nitong Martes ng gabi.

Sa ulat ni Sheilla Vergara-Rubio sa GMA News TV's "Balita Pilipinas" nitong Miyerkules, kinilala ang biktima na si Aira Macaraya, na nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo.

Sa imbestigasyon, sinabing tumigil ang multicab para magbaba ng pasahero sa Leon Garcia Street sa Agdao dakong 9:00 p.m. nang biglang barilin ang biktima.

Ayon sa isang pasahero na nakaupo sa harap ng biktima, inakala niyang nagkaroon lang ng problema sa gulong ang sasakyan nang may marinig na putok.

Matapos silipin ang gulong, nagulat na lang umano ang pasahero nang makitang nakatumba na sa loob ng sasakyan ang biktima.

Wala umanong nakakita sa salarin.

Samantala, wala namang nakita ang mga pulis na kaduda-duda sa mga gamit ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pamamaril. -- FRJ, GMA News

Tags: crime