ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga Pinoy sa Paris, ‘apektado’ sa letter bomb blast sa IMF building 


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nangangamba ang maraming mga Filipino sa Paris, France na maapektuhan ang kanilang pagkilos matapos ang pagsabog ng letter bomb sa tanggapan ng International Monetary Fund building noong Huwebes na ikinasugat ng isang empleyado. 

Habang isinasagawa ang imbestigasyon sa insidente, hindi na pinapadaanan sa publiko ang kalsada sa harap na IMF Building na nasa 16th District.

Ayon kay GMA News stringer Dick Villanueva, ang 16th District ay isang lugar ng mga mayayamang Frances at foreigners, at halos 60% ng mga Filipino sa Paris ay naninirahan at nagtatrabaho dito.

Noong Huwebes, isang sobre ang sumabog sa tanggapan ng European IMF.

May nakasulat na Greek return address ang sobreng sumabog, na pinaghihinalaang ipinadala ng opposition party official, ayon sa Greece public order minister.

Ayon sa mga awtoridad, ang nasabing sobre ay galing sa Greece at nang buksan ng sekretarya ng IMF, bigla itong sumabog.

Nagtamo ng sugat at paso sa mukha ang sekretarya, pati na ang kamay nito. Malubhang naapektuhan din ang kanyang eardrum dahil sa lakas ng pagsabog. 

Ayon sa pamunuan ng IMF, ligtas na sa peligro ang biktima. —LBG, GMA News