Sunshine Dizon warns against unauthorized Facebook fan page
Hindi pinalampas ng Kapuso actress na si Sunshine Dizon ang pagkakataong bigyan ng babala ang may-ari ng isang Facebook fan page na gumagamit ng kaniyang pangalan at mga larawan nang walang pahintulot mula sa kaniya.
Ayon sa “Sunshine Dizon” page (@msunshinedizon), ito raw ang official Facebook fan page ng Kapuso actress at “Ika-6 Na Utos” star.
Gayunpaman, lingid sa kaalaman ng aktres ang paggamit nito ng mga larawang ibinabahagi niya sa kaniyang mga personal na social media accounts.
“Kung sinoman po ang admin ng FB account na ito, I know that you are using my pictures and using my name. Kindly message me po as soon as possible para makapag-usap po tayo ng maayos,” mensahe niya sa gumawa ng fan page.
Dagdag pa ng Kapuso actress, “Alam ko po na makikita niyo ito dahil dito din po kayo nag-grab ng pictures. Kindly DM me po. Salamat po.”
A post shared by Miss Sunshine Dizon (@m_sunshinedizon) on
Bida ngayon si Sunshine sa GMA Afternoon Prime series na "Ika-6 Na Utos," kasama sina Ryza Cenon, Gabby Concepcion, Ryza Cenon, Mike Tan, Marco Alcaraz, Rich Asuncion, Daria Ramirez, Carmen Soriano, Mel Martinez, at Arianne Bautista.
Mapapanood ang top-rated Kapuso daytime drama araw-araw sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng “Eat Bulaga!" — RSJ, GMA News