ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

BiGuel, DerBea say ‘Mulawin vs. Ravena’ is ‘surreal, nakakakilabot’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kabilang ang Kapuso loveteams nina Bea Binene at Derrick Monasterio at Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa mga magbibigay-buhay sa kuwento ng “Mulawin vs. Ravena,” ang pagpapatuloy ng hit 2004 Kapuso telefantasya na “Mulawin.”

Ayon kay Bea, Derrick, at Bianca, katuparan ng kanilang mga pangarap ang mapabilang sa teleseryeng tumatak sa puso ng mga Pilipinong manonood. Para naman kay Miguel, na bahagi ng original “Mulawin” cast, isang malaking karangalan ang maging bahagi muli ng pagpapatuloy ng kuwento tungkol sa mga taong ibon.

“Hindi ko ma-explain... Goosebumps, 'yun talaga. Nandoon 'yung excitement, 'yung happiness, gratefulness—lahat! It's overwhelming in a good way... Hindi namin ma-contain ang happiness at excitement dahil ito na siya, this is really it! Magsa-start na. Nakakatuwa na nakakaiyak,” ayon kay Bea sa isang panayam nitong Lunes.

Dagdag ni Bianca, “Surreal talaga for me. Noong narinig na namin ang theme song, naiyak talaga ako dahil sobrang thankful ako na nakasama ako dito. It's a dream come true.”

 

Pagaspas and his Lawiswis.

A post shared by Miguel Tanfelix (@migueltanfelix_) on

 

Bibigyang-buhay ni Derrick si Almiro, ang anak ni Alwina at Aguiluz at ang itinuturing na “bagong Sugo,” habang si Bea naman ang gaganap bilang si Anya, isang Tabon o “half-human, half-Mulawin” na magiging palaban dahil sa pang-aaping mararanasan sa Avila.

Muling gaganap si Miguel bilang si Pagaspas, ang taong ibon na bininigyang-buhay niya noong 2004, habang si Bianca Umali naman ang gaganap bilang Lawiswis, ang karakter na binigyang-buhay noon ni Sam Bumatay.

“As Pagaspas and Lawiswis, kung gaano kami ka-bonded before, mas bonded pa ngayon. Hindi pa rin kami mapaghiwalay... Kung sakaling mapaghiwalay kami, hahanapin at hahanapin pa rin namin ang isa't isa,” paglalarawan ni Miguel sa kanilang karakter.

Kabilang sa mga paghahandang ginagawa ng Kapuso loveteams ang martial arts training.

Anila, isa raw sa mga hiling ng kanilang direktor na si Dominic Zapata ang personal nilang gawin ang kani-kanilang stunts.

Ayon kay Bea, “Bumalik rin ako sa wushu training. Aside from the training ng show, sumasama rin ako sa training nt stuntmen for 'Mulawin vs. Ravena.' Nag-eenjoy ako.”

“Kung ano ang puwedeng i-train, talagang pinagpdaraanan namin. Lahat ng puwedeng gawin para lumawak ang skills namin,” dagdag ni Bianca.

Pagbabahagi naman ni Miguel, “Alam namin na kailangan talaga ng pagpupursigi namin dahil sila Direk Dom at Direk Don, ayaw nila ng may doubles. Lahat ng stunts, kami ang gagawa.”

 

Si #DerrickMonasterio bilang Almiro at si #BeaBinene bilang Anya ?? #MulawinVsRavena #MvRSa24Oras #DerBea

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl) on

 

Makakasama nina Bea, Derrick, Bianca, at Miguel sa “Mulawin vs. Ravena” sina Heart Evangelista, Lovi Poe, Carla Abellana, Chynna Ortaleza, Dion Ignacio, TJ Trinidad, Angelu de Leon, Bobby Andrew, Nova Villa, Valerie Concepcion, Roi Vinzon, Joko Diaz, Charee Pineda, Kiko Estrada, Dennis Trillo, Wyn Marquez, David Licauco, Regine Velasquez, Ariel Rivera, at Tom Rodriguez.

“I've waited for this. Isa ito sa mga pangarap ko kaya sobrang nagpapasalamat ako sa GMA. We're very excited to start taping and very excited to share this with all our Kapuso out there na nag-aabang sa bagong handog ng GMA... Sana magustuhan ninyo dahil pinaghirapan ito ng lahat—from production, directors, creative team, mga artista,” pahayag ni Bea.

Pagtatapos ni Derrick, “'Yung 'Mulawin' before ay ang pinakamalaking show ng GMA, at ngayon, isa ulit ang 'Mulawin vs. Ravena' sa biggest shows ng GMA this year... Sana magustuhan nila dahil talagang level up na lahat—the effects will be a blast.”

Abangan ang muling paglipad ng mga Mulawin at Ravena sa GMA ngayong 2017! — BM, GMA News@gmanews.tv>