ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kapuso stars talk about joy, challenges of independent living


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mahirap man humiwalay sa pamilya at mamuhay na mag-isa, isang paraan din ito upang masubok ang maturity at pagiging responsable ng isang tao, ayon sa ilang Kapuso stars na nakararanas ng independent living.

Halos isang taon nang namumuhay mag-isa sa Maynila ang “Meant To Be” star na si Addy Raj, at kahit naging mahirap ang pagiging malayo sa sariling bansa, nakatulong raw sa kaniya ang pagkakaroon ng mga bagong kaibigan.

READ: Janine Gutierrez, nakitang mahirap din ang maging independent

Aniya sa ulat ng “Unang Hirit” nitong Martes, “Dati, hindi ko alam ang dapat kainin, saan bibili ng mga gusto ko. But eventually, things changed. I learned the Filipino way and I made friends.”

Nais naman ng “Ika-6 Na Utos” star na si Ryza Cenon na mapatunayan sa kaniyang mga magulang na kaya niyang maging responsable, kaya siya nagdesisyong bumukod sa mga ito.

Pero kailangan daw itong pag-isipan nang mabuti bago tuluyang sumabak sa independent living, lalo na't hindi talaga maiiwasan ang pangungulila, ayon sa "Encantadia" star na Arra San Agustin.

Nagsimula ng independent living ang dalaga noong nasa kolehiyo pa lamang siya.

Payo ni Ryza, “Okay 'yung feeling na controlled mo lahat... Mahirap kung hindi buo ang loob mo na mag-iisa ka.”

“Sobrang lonely. Kunyari may sakit ako, kailangan ko ng kasama, wala... Pero marami akong natutuhan, especially self-worth, how to value my solitude," dagdag ni Arra.

Silipin ang pahayag ng ilang independent Kapuso artists, at alamin kung handa ka na rin bang mamuhay nang mag-isa:

 

-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News