ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pahayag ni Duterte vs. Simbahan, walang saysay —Catholic bishops


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi dapat seryosohin ang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Simbahang Katolika, pahayag ng mga lider ng Catholic Bishops Conference of the Philippines nitong Sabado.

Dahil sa paulit-ulit na pambabatikos ng Pangulo sa Simbahan, ipinahayag nina CBCP-Episcopal Commission on Mission chairman Sorsogon Bishop Arturo Bastes at CBCP-Episcopal Commission on the Laity chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na hindi dapat seryosohin ang mga “non-sense” na pahayag.

“It is non-sense. So don't take seriously the pronouncements of Duterte. The best is simply to ignore such remarks,” pahayag ni Bishop Bastes sa Radio Veritas

Para naman kay Bishop Broderick Pabillo walang value at hindi pinag-isipan ng Pangulo ang kanyang mga pinagsasabi sa media.

“What he says has no value anyway kasi hindi naman niya pinag-iisipan.”

Naninindigan din sina CBCP-Permanent Committee on Public Affairs chairman out-going Lipa Archbishop Ramon Arguelles, Bishops Bastes at Pabillo at CBCP Permanent Committee on Cultural Heritage chairman Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na mabibigo lamang ang Pangulong Duterte kung layunin nitong pabagsakin ang Simbahan na tutol sa kanyang mga anti-poor at anti-life policies.

Inihayag ng mga obispo na marami na ang nagtangkang pabagsakin ang Simbahan sa nakalipas na 2,000-taon ngunit lahat sila ay nabigo.

Sinabi ni Duterte kamakailan na hanggang 30 years na lamang ang itatagal ng Simbahang Katolika dahil sa mga pang-aabuso ng mga pari. —LBG, GMA News