ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
WATCH

Babae, nakaladkad ng motorsiklo matapos hablutin ang kaniyang bag


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sugatan ang isang babae matapos maagawan ng bag at makaladkad ng motorsiklo sa Maynila.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas" nitong Huwebes, ipinakita ang kuha sa CCTV habang naglalakad sa gilid ng Pedro Gil Street ang biktima na bitbit ang kanyang bag.

Hindi nagtagal, sumulpot ang dalawang magkaangkas sa motorsiklo at hinablot ang bag ng biktima.

Hindi agad nabitawan ng babae ang bag kaya nakaladkad pa siya hanggang sa kanto ng Taft Avenue.

Ayon sa biktima, natangay ng mga salarin ang kanyang bag na may lamang cash, wallet at cellphone.

Tinutugis na umano ng mga awtoridad ang mga salarin. -- FRJ, GMA News

Tags: hulicam, psstnews