ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Wedding gown at bouquet ni AiAi, gusto raw sagutin ng 'kambal' niyang si Marian


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inihayag ng concert comedy quueen na si AiAi Delas Alas na ipinagdadasal niya na magka-baby sila ng kanyang fiance' na si Gerald Sibayan pagkatapos nilang ikasal.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, inihayag ng aktres na masaya ang personal na buhay lalo pa't napag-uusapan na nila ni Gerald ang kanilang kasal sa susunod na taon.

Natutuwa raw ang aktres na may mga nagbo-volunteer nang tumulong sa kaniyang kasal kabilang ng kaniyang kaibigan at tinatawag na "kakambal" na si Marian Rivera.

Ayon kay AiAi, sasagutin umano ni Marian ang kanyang wedding gown at bouquet.

Dati pa naming pinag-usapan 'yon. Ang sagot niya yung gown ko, saka sagot niya yung bouquet ko. Pero noon pa 'yon, hindi pa nag-aano [propose] si Gerald," anang aktres.

Wala pa raw ibang detalye na napag-uusapan sina AiAi at Gerald tungkol sa kanilang kasal.

Pero isang bagay daw ang ipinagdadasal ni AiAi na magkaroon sila ng baby Gerald ng baby pagkatapos ng kanilang kasal.

"God willing, isa yun sa pinagpe-pray ko," aniya.

Samantala, hindi raw naging madali para kay AiAi ang paggawa niya ng bagong comedy movie na "Our Mighty Yaya"  dahil kinailangan niyang magsuot ng prosthetics para mapapangit ang kaniyang hitsura.

Idinadaan din niya sa biro ang paliwanag bakit kailangan niyang mag-prosthetics sa pelikula kung saan kasama niya si Miss World 2015 Megan Young.

"Binago talaga kasi para hindi kayo malito kung ako ba si Megan o si AiAi, di ba? Kasi mahirap eh, 'pag hindi ako pinapangit, malilito kayo," natatawa niyang paliwanag. -- FRJ, GMA News