ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, magpapakilig sa 'Tonight with Arnold Clavio'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


Ngayong Miyerkules ng gabi, siguradong kikiligin kayo sa Tonight with Arnold Clavio!

Makakakwentuhan kasi ni Igan ang soon to be “Mr. and Mrs. Solinap,” na sina Arthur Solinap ng programang Pepito Manaloto at Rochelle Pangilinan ng katatapos lang na Encantadia.

Makalipas ang siyam na taon nilang pagiging magkarelasyon, tuloy na tuloy na ang pinaghahandaan nilang kasal ngayong Agosto. Maging ninong naman kaya nila si Igan sa kasal, gaya ng mga naunang panauhing kagaya nila noon? Abangan ‘yan!

At dahil kapwa magaling sumayaw ang mag-“Bhe,” hahamunin sila ni Igan sa nakatutuwang dance challenge kung saan mga pangkaraniwang eksena sa araw-araw na pamumuhay ang kanilang isasayaw. Paano kaya gagawing sayaw ni Rochelle ang kunwari’y  pakikipagsiksikan sa loob ng MRT? At paano kaya sasayawin ni Arthur ang kunwari’y pagsasampay ng damit?

Sasalang din sila sa larong “Imitate Your Partner.”  Paano kaya gagayahin ni Arthur ang itsura ni Rochelle tuwing may kausap sa telepono? At paano naman kaya gagayahin ni Rochelle si Arthur kapag ito’y nagagalit o kaya naman ay nagseselos?

Siyempre, masusubukan din ang tibay ng kanilang samahan sa kwelang paraan, sa pamamagitan ng TWAC Compatibility Test. Maka-perfect score kaya sila sa mga tanong o mabubuking lang na parehong makakalimutin?!

Hindi rin makakaligtas sina Rochelle at Arthur sa Nasubukan N'yo Na Ba? Alamin kung nangyari na sa kanila na may isang nag-walkout sa kalagitnaan ng date at kung nag-away na sila nang dahil lang sa selos sa katrabahong artista!

Ang lahat ng ‘yan pati na ang kanilang nakakakilig at nakakaiyak na mensahe ng pagmamahal bago maging ganap na mag-asawa, abangan sa Tonight with Arnold Clavio!

Makilahok sa nakaka-in love na kwentuhan! I-follow ang twac sa twitter: @twacofficial at gamitin ang hashtag na #TWACsoInLove. At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio          ...kvd*