ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Diether Ocampo, magpapakilig sa 'Tonight with Arnold Clavio'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


Ngayong Miyerkules sa Tonight with Arnold Clavio, ang certified heartthrob at nagbabalik-telebisyon na si Diether Ocampo ang ating makakakwentuhan!

Alamin mula mismo kay Diether kung bakit isang taon siyang nagpahinga sa showbiz. At para ma-update ang kanyang mga tagahanga sa mga bagong pinagkakaabalahan niya, sabay-sabay nating silipin sa segment na Insta-truth ang kanyang social media account na punong-punong ng mga litratrong tiyak may nakaka-intrigang kwento!

Muli naman tayong pakikiligin ni Diether sa pamamagitan ng kanyang kwela at pa-cute na pag-arte sa segment na TWAC-tingan! Umubra kaya ang kanyang charm sa mga eksenang ibibigay ni Igan? 

Hindi rin makakaligtas si Diether sa segment na Nasubukan Mo Na Ba? Dito, malalaman naman ang mga makulay na karanasan ni Diet sa pakikipagrelasyon. Naligawan na ba siya ng babae? Naiyak na ba siya nang dahil sa pag-ibig? ‘Yan at iba pang katanungan, sasagutin niya ngayong Miyerkules!

Kaabang-abang din ang isang kakaibang challenge kung saan magpapagalingan sila ni igan sa pagbitaw ng mga linya mula sa mga iconic pinoy action movies!

Sali na sa masaya at makabuluhang kwentuhan sa Tonight with Arnold Clavio!

I-follow ang twac sa twitter: @twacofficial at gamitin ang hashtag na #DietherOcampoOnTWAc. At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio