Ruffa Gutierrez, magpapatawa sa 'Tonight with Arnold Clavio'

Isa sa may pinakamagandang mukha hindi lamang sa showbiz kung hindi sa buong “world” ang makakasama ni Igan ngayong Miyerkules ng gabi sa Tonight with Arnold Clavio – ang actress and beauty queen na si Ms. Ruffa Gutierrez!
Alamin ang latest kay Ruffa tulad ng kung paano nagsimula ang kanyang pagiging si Ruffa-ree sa larong “Jackpot and Poy.” Ng Eat Bulaga. Maging updated din tungkol sa kanyang pagiging fabulous mommy kina Lorin and Venice at pagkakaroon ng going smooth na love life!
Aalamin naman ni Igan ang opinyon ni Ruffa tungkol sa samu’t -saring issue sa pakikipag-relasyon. Ang karamihan kaya ng isasagot niya ay “Yes, Grabe!” o “No, Sabe?”. Abangan!
Game na game din si Ruffa sa ideyang boses niya ang gamitin sa "Waze" kaya naman sa isang skit, tignan niyo na lang kung mukhang makakarating si Igan sa kanyang destinasyon kung si Ruffa ang magbibigay ng direksyon.
Tiyak na masayang kwentuhan na naman ito mga igan! Kaya tutok na sa GMA News TV ngayong darating na Miyerkules ng Gabi
I-follow ang twac sa twitter: @twacofficial at gamitin ang hashtag na #RuffaOnTWAC. At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio