ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Love story ni Imelda Papin, tampok sa 'Wagas!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


Magkabalikan Pa Kaya?, Taksil, Isang Linggong Pag-Ibig at iba pang kantang pasok sa ”sawing pag-ibig playlist” ay pinasikat ng ‘Sentimental Songstress ng Pilipinas’—si Imelda Papin.  Pero ang love life ni Imelda ’di rin nakaligtas sa kasawian at dumaan din sa matinding pagsubok.

Maituturing na isang tagahanga ni Imelda ang kanyang first love na si Bong Carrion.  Ginawa ni Bong ang lahat para suyuin ang magandang singer hanggang sa maging nobya n’ya ito.  Nagkaroon sila ng sariling music label at nag-duweto sa kantang ”One Life to Live”, na tila naging theme song nila. Hanggang sa ikasal ang dalawa, pero ‘di nagtagal ang kanilang pagsasama.



Ngunit nito lamang Marso, muling nakasama ni Imelda ang dating asawa bago bawian ng buhay si Bong.  At sa kanyang huling hininga, inamin ni Imelda na siya lamang ang lalaking minahal niya sa loob ng ilang taon na pagsasama.



Para muling sariwain ang love story nina Imelda at Bong, makakasama sina Katrina Halili at Rodjun cruz sa Wagas ngayong Sabado, 7 AM sa GMA News TV.