ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga bayani ng Marawi, kilalanin sa 'iJuander'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Habang marami na ang lumisan ng Marawi para takasan ang kaguluhan doon, may ilan naman na hindi man lang nagdalawang isip na madestino roon para tuparin ang sinumpaan nilang tungkulin. Silang mga handang handang magbuwis ng buhay para sa bayan, silang mga bayani ng Marawi.

Sa kasulukuyan, umabot na sa mahigit walong pung pwersa ng gobyerno sundalo o pulis ang nasawi sa Marawi siege. Kabilang na rito si Technical Sargeant Aldrin Dinglasan. Ang maybahay niyang si Leah, ikukuwento ang mga huling sandali nila ng yumaong asawa.
 

Dadalaw din si Susan Enriquez sa AFP Medical Center kung saan nagpapagaling ang mga sundalong sugatan. Dahil nga sinasabing nasa hukay ang kanilang isang paa, kahit papaano naman ba'y nabibigyan sila ng sapat na benepisyo? At sakaling may mangyari sa kanila, may suporta bang matatanggap ang naulila nilang pamilya?

 
 
Kilalanin din ang grupong “Moms of Manila for Marawi” na kahit malayo sila sa lugar ng kaguluhan, gumagawa sila ng paraan para makatulong sa bayan. Nangangalap sila ng damit at iba pang mga kagamitan para ipadala sa mga naiipit ng giyera sa Marawi. Ang kanilang mga anak naman, sumusulat ng liham para iparating sa Marawi ang kanilang simpleng mensahe--- ang panawagan para sa kapayapaan.
 

Ngayong Miyerkules, ang bida, angmga bayani ng Marawi. Kilalanin sila at hangaan ang kanilang kagitingan sa I Juander, alas-otso nang gabi sa GMA News TV. 

Tags: plug, pr, ijuander, marawi