Kapuso actor Kristoffer Martin, ibabahagi ang kanyang ‘Tunay na Buhay
Ang "Tunay na Buhay" ni Kristoffer Martin
Paglipat pa lang niya sa Kapuso network taong 2010 – agad na ipinagkaloob sa kanya ang papel na batang Johnny sa remake ng Koreanovela na “Endless Love.” Mula noon hanggang ngayon, hindi na siya nawalan ng proyekto dahil na rin sa husay niya sa pag-arte. Kasalukuyan din siyang napapanuod sa action fantasy series na “Super Ma'am.”
Pero liban sa pagiging aktor, isa na rin siyang ganap na recording artist. Dahil noong isang linggo lang, ini-launch na ang kanyang single na “Paulit-Ulit.” Ano nga ba ang kuwento sa likod ng kantang ito? At ano pa ang pakaaabangan sa kanya ngayong 2018?
Samahan si Rhea Santos na alamin ang kuwento ng "Tunay na Buhay" ni Kristoffer Martin ngayong Miyerkules, pagkatapos ng Saksi.