ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ilang Kapuso stars, magpapasaya ng mga kababayan sa 'Pinoy Fest 2018' sa Dubai


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ilang Kapuso stars, biyaheng Dubai para magpasaya ng mga kababayan sa "Pinoy Fest 2018" na handog ng GMA News TV, GMA Life TV at GMA International.


Sa ulat ni Nelson Canlas sa GMA News "Balitanghali" nitong Miyerkoles, sinabing ang mga Kapuso celebrity na lumipad na patungong Dubai ay sina Dennis Trillo, Solenn Heussaff, Migo Adecer at Tetay.

Upang maibsan ang pagka-homesick ng mga Pinoy sa Dubai, sinabi ng mga Kapuso star na ikatutuwa ng mga OFWs ang inihanda nilang palabas.

Mapapanood ang "Pinoy Fest 2018" sa Huwebes sa Shiekh Rashid Auditorium ng Dubai.

Samantala, excited din ang Kapuso stars na makapamasyal sa Dubai.

Ayon kay Solenn, susubukan nila ang Safari Tour pagkatapos ng show. -- FRJ, GMA News