ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

26 pasahero sugatan nang bumangga ang bus sa isang puno sa Bulacan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasugatan ang 26 pasahero ng isang bus nang bumangga ito sa isang puno sa San Jose Del Monte, Bulacan Huwebes ng gabi, ayon sa ulat sa Saksi.

Nawasak ang harapan ng bus sa tindi ng pagsalpok nito.

Ayon sa isang pasahero ng bus, hindi daw kumagat ang preno habang nasa pababang bahagi sila ng kalye.

Nagtalunan din daw ang ibang mga pasahero bago sumalpok ang bus sa puno.

In the 24 Oras report of Cedric Castillo, itinanggi ng driver na si Jovit Villegas ang sinasabi ng ilang pasahero na nawalan ng preno ang Mayumi bus habang pa-biyahe ito papuntang Sapang Palay, Bulacan mula sa Baclaran.

"May inilagan lang akong tricycle...Pag-preno ko, dumulas, kumabig sa kanan, tumama sa puno," giit niya.

Sagot daw ng kumpanya ng bus ang gastusin ng mga pasahero na nadala sa pagamutan dahil sa insidente.

Nasa kustodiya naman ng Police Community Precinct 5 ng San Jose del Monte police si Villegas at hinihintay pa kung may maghahain ng kaso. — with Margaret Claire Layug/BAP, GMA News