ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'This is 8!' anniversary special ng 'AHA!,' mapapanood ngayong Linggo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tuloy-tuloy ang 8th anniversary celebration ng AHA!  kasama si Drew Arellano.

Sa loob ng walong taon ng programa sa telebisyon, paano nito patuloy na tinutupad ang misyon nitong maghatid ng kaalaman at impormasyon sa pamamagitan ng masaya, nakaaaliw at nakababaliw na mga paraan?

Bukod sa popular na magazine format, na-enjoy ng mga Ka-AHA! ang iba’t ibang formats gaya ng documentary, musical, children’s drama, talk at maging animation.

Pinasikat din ng AHA! ang iba’t ibang science terms at concepts at ipinaliwanag ito sa level na madaling maintindihan ng mga manonood.

Nakapaglibot na rin ang AHA! sa iba’t ibang probinsya sa Philippines at sa mga karatig na bansa sa Asya sa paghahanap ng masaya at kapana-panabik na mga kuwento.

Sa paglipas ng mga taon, nakabuo na rin ang AHA! ng natatanging grupo ng mga guest celebrities at mga karakter na tinatawag nating: ‘ka-AHA!’

Naging daan din ang AHA para magtanghal ng amazing skills at abilities— mula sa pambihirang mga tao at hayop.

Mapapanood ang AHA! This is 8! ngayong Linggo, May 20, at 8:15 AM sa GMA 7.