ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kargador ng prutas, makararanas ng 'Day Off!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


Umulan man o umaraw, hindi raw tumitigil sa pagtatrabaho ang 47 years old na kargador ng prutas na si Eusebio "E-boy" Mendoza. Ang kanyang kasipagan, magbubunga ng biyaya dahil ang kanyang anak na si Clarence ay sumulatsa Day Off para mabigyan siya ng bonggang pahinga.

Bago matikman ni E-boy ang masarap na fruit of his labor, kailangan munang matutunan nina Janine Gutierrez at Ken Chan ang kaniyang trabaho. Makayanan kaya nilang manungkit ng niyog at mamitas ng pinya sa loob ng limitadong oras?

Katuwang ni E-boy sa pagkarga ng mga prutas ang alaga niyang kabayo. Pero dahil day off ng ating bida, siyempre damay na din ito sa pagpapahinga. Dahil dito, sina Ken at Janine ang nakatoka magbuhat ng mga prutas. Magpapagalingan din silang magsalansan ng mga ito bago i-deliver sa palengke.

Sintamis ng kanyang hina-harvest na prutas ang day off destination ni E-boy dahil sa isang museum na punong-puno ng sweet desserts ang kaniyang pupuntahan kasama ang pamilya. Donut, marshmallow, ice cream at cotton candy, ilan lamang yan sa mga matitikman nina E-boy kasama ang katropa nating si Dasuri Choi. Mapapalaban ang may sweet tooth sa pasyalang ito. Puwede pang magpa-picture sa bawat kuwarto na may iba't ibang dessert themes.

Pero hindi lang tiyan at mata ang mabubusog sa araw na ito dahil pati ang isip ma-cha-challenge din. Magkakaroon ng kakaibang experience ang buong pamilya ni E-boy sa isang educational museum. Mamamangha sila sa interactive exhibits, experiment demos at marami pang iba.

Huwag paiwan at sumama na sa masaya at bonggang paglalamyerda ng tropang Day Off, ngayong Sabado, 6:15 PM, SA GMA News TV!

Tags: dayoff