ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

20 aso, patay sa San Andres, Catanduanes


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ipaiimbistiga raw sa mga awtoridad ang sunod-sunod pagkamatay ng aabot sa 20 na aso sa isang barangay sa San Andres, Catanduanes.

Ayon sa ulat sa GMA News TV program "State of the Nation with Jessica Soho" nitong Biyernes, hinala ng mga residente at opisyal ng Barangay Palawig na nilason ang kanilang mga aso.

Ayon kay Roel Bagadiong, kapitan ng barangay, "Mayroong impormasyon na mayroon daw na nag-iikot na lason pero hindi po namin ma-dentify kung lason talaga."

Sinubukan na daw iparating ng opisyal ang insidente sa tamang awtoridad.

Sa dami ng asong namatay sa loob lamang ng ilang araw, nagalala ang mga residente para sa kanilang mga alaga.

Kwento ni si Josephine Coreo, "Kaumagahan daw, makikita mo daw talaga 'yung mga asong nakakalat sa kalye. Sobrang dami."

Dagdag niya, "Sabi ko, agad-agad naman kaming nag-aksyon na talian na 'yung aso namin." — Margaret Claire Layug/DVM, GMA News