Centenarian ng Negros Occidental, kilalanin sa 'Front Row'
Inihahandog ng Front Row
“LOLA ISCA”
August 27, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi
Isang centenarian si Lola Isca, tubong Kabankalan City sa probinsiya ng Negros Occidental. Lahat ng kanyang kamag-anak at kakilala, sinasabing mahigit isandaang taong gulang na siya.

Sa susunod na buwan, nakatakdang ipagdiwang daw ni Lola Isca ang kanyang ika-121 niyang kaarawan. Siya na raw ang pinakamatandang nabubuhay hindi lamang sa buong Negros pero maging sa buong Pilipinas. Ngunit dahil walang pinanghahawakang birth certificate, hanggang ngayon hindi opisyal ang pagkilala sa kanya bilang pinakamatanda.

Ano nga kaya ang sikreto sa mahabang buhay ni Lola Isca? Tunghayan ang kanyang kuwento sa Front Row ngayong Lunes ng gabi, August 27, 2018 pagkatapos ng Saksi sa GMA!
