ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
WATCH

2 preso, patay dahil 'di raw makahinga sa siksikang selda


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay ang dalawang preso matapos raw mawalan ng hininga sa loob ng isang kulungan ng Philippine National Police sa General Trias, Cavite. Ayon sa pulisya, congestion ang sanhi ng pagkamatay ng mga bilanggo.

Sa ulat ni Emil Sumangil nitong Sabado sa "Balitanghali," sinabing tatlong preso ang itinakbo sa ospital matapos mawalan ng malay sa loob ng Police Community Precinct 4 ng General Trias PNP.

Binawian ng buhay sina Mannie Libres at Christian Orbita habang patuloy namang inoobsebahan ang kalagayan ni Arnel Biticon.

Para-parehong nakulong ang tatlo dahil sa ilegal na droga.

Kasama nila ang mahigit 160 preso na nagsisiksikan sa kulungan na ginawa lang para sa 70-katao.

Walang binuksan na imbestigasyon dahil walang nakitang foulplay umano ang General Trias PNP.

Ayon sa hepe nilang si Superintendent Paul Bometivo, "Sa dami ng mga detainees natin ay puwedeng na-suffocate sila, hindi na kinaya. Pagdating sa ospital ay dineklara pong dead on arrival nu'ng attending physician."

Naiparating na rin naw sa mga naulila ang mga sinapit ng mga dalawang preso. — Margaret Claire Layug/DVM, GMA News