ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

HIV sa pagkain ng isda, fact or fake? Alamin sa 'Brigada'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

BRIGADA

January 29, 2019

8 pm sa GMA News TV

FACT OR FAKE: HIV SA ISDA

Kasunod ng pagkakadiskubre ng mga hospital waste na itinambak sa katubigan ng Cebu, kumalat din online ang balitang maaaring sanhi rin ito ng paglaganap ng HIV o human immunodeficiency virus na posible raw na galing sa mga isda. Marahil dahil na rin sa takot, madaling kumalat ang balita na naging dahilan ng pagkaalarma ng ilan. Inimbestigahan ni Joseph Morong kung fact or fake nga ba ang balitang ito.

BATA BATA, IKAW BA AY MAY SALA?

Kamakailan, naging mainit na usapin ang inimungkahi sa Kongreso na ibaba ang kasalukuyang minimum age ng criminal responsibility na 15 at gawin itong 12. Mahigpit itong tinutulan ng ilan.  Pero ayon sa mga sumusulong ng mungkahing ito, hindi naman daw sa kulungan ilalagay ang mga batang mapapatunayang magkasala kundi sa mga Bahay Pag-Asa.  Ito ay pasilidad ng gobyerno na mangangalaga sa rehabilitasyon ng mga bata.  Ang kaso, kulang na kulang ang mga ganitong pasilidad sa bansa.  Siniyasat ni Victoria Tulad ang kasalukuyang estado ng ilang mga Bahay Pag-asa dito sa Metro Manila.

BANTA SA TAWILIS

Idineklara kamakailan lang ng International Union for Conservation of Nature o IUCN na kabilang na sa listahan ng endangered species o nanganganib nang maubos ang isdang tawilis. Matatagpuan ang mga tawilis tanging sa Taal Lake sa Batangas lamang, kaya naman bagamat hindi pa tuluyang nararamdaman ng ilang mangingisda roon ang epekto, pinangangambahang maapektuhan nito ang suplay ng sa mga kalapit na palengke’t kainain. Inalam ni Marisol Abdurahman ang dahilan ng pagnipis ng bilang ng mga tawilis sa Taal.