ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Connie Sison at Susan Enriquez, nagharap sa isang cook-off!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

PINOY MD
SABADO, NOVEMBER 7, 2020
6:00 AM - 7:00 AM

Salubungin ang umaga nang masaya at may masarap na pagkain sa hapag.  Sina Pinoy MD host Connie Sison at ang beteranong journalist na si Susan Enriquez, good vibes ang dala sa atin sa Sabado.  May mga ituturo silang masusustansyang recipes na puwede niyong subukan; abangan ang mga iyan.

Habang hindi pa nagtra-travel ang marami sa atin dahil sa pandemic, balikan muna ang pagpunta ng Pinoy MD sa South Korea.  Sinubukan nina Connie at Doc Oyie Balburias ang ilang wellness treatments na ilan sa mga sikreto sa magandang kutis ng Koreans.  Si Connie nakuha ang benefits ng mga luxury skincare product na may sangkap na red ginseng. Si Doc Oyie naman talagang na-relax sa iba't ibang uri ng masahe.

Sawa na sa mga de latang kinakain?  Dagdagan lang ng kaunti ang budget at maglaan na oras sa kusina at may maggagawa na kayong mas masasarap na recipe gamit ang canned goods. Alamin ang steps kung paano maggagawa ang mga 'yan.

At ang mga masasamang puwedeng epekto ng pagpipigil ng ihi. Isa rin iyan sa mga tatalakayin namin sa Saturday.

Panoorin ang Pinoy MD kasama sina Connie at Doc Oyie, alas 6 ng umaga, sa GMA.