'Reskyut', dokumentaryo ni Atom Araullo, ngayong Biyernes sa 'I-Witness'
I-WITNESS ni ATOM ARAULLO
"RESKYUT"
DECEMBER 11, 2020

Masasabing sanay na sanay na ang mga Pinoy sa mga trahedyang dulot ng bagyo at lindol dahil ang Pilipinas ay nakahimlay sa tinatawag na “Ring of Fire” at daanan rin ng mga typhoon na nabubuo mula sa Pacific Ocean.
At kapag nagsunod-sunod ang kalamidad, hindi na magkanda-ugaga ang mga rescue team sa pagresponde sa mga nasalanta.
Kaya naman bilang pampuno sa limitadong mapagkukunan ng tulong pisikal, naisip ng ilang grupo kasama na ang UP-MMDA-Vanguard K9 na mag-train ng ibang lahi ng mga aso bukod sa nakasanayan na katulad ng German Shepherd, Doberman, at iba pang military dogs, para makatulong sa search and rescue o search and retrieval operations ng isang lugar.
Sa compound isinasagawa ang pagsasanay sa sinumang magnanais ilahok ang kanilang mga alagang aso. Walang pinipiling lahi. Isa na rito si Satchmo, isang asong Pinoy na mas kilala sa tawag na “aspin.”
Isa o dalawang araw kada linggo ang pagtitipon ng mga aso para sa pagsasanay para mahasa ang kanila potensyal.
Subalit para sa mga trainor, hindi nila ninanais na masubok ang kakayahan ng bawat isang aso na kanilang tinuturuan. Sino nga ba naman ang gusto ng trahedya?
Samahan si Atom Araullo at kilalanin ang mga kyut na asong ito sa Biyernes sa I-Witness.
English
For a country that is frequently visited by calamities, namely typhoons and earthquakes, the Philippines learned to cope through the years of constant visitations of hurricanes and shaking of the grounds.
Filipinos have seen tragedies piling up one after the other. To reduce delays and to save more lives, the UP-MMDA-Vanguard K9 offered to train privately owned dogs to be part of other search and rescue/retrieval operations.
The group designed activities that will harness the potential of different breeds of dogs. Even Satchmo, a native Philippine breed of dog or famously labeled as “aspin,” is able to join this kind of training.
The group wants to explore the possibility of creating a rescue team composed of aspins.
Join these cute dogs, together with Atom Araullo, as they embark on a unique path to save lives.