ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Sikat na bakery sa Guam, Pinoy ang may-ari


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi nangungulila ng mga Pinoy sa Guam sa mga paboritong pan de sal, hopia, monay at iba pang tinapay sa Pilipinas dahil sa isang sikat na bakery sa Dededo na pinapatakbo rin siyempre ng isang Pinoy. Lahat nga ng uri ng tinatay mula donuts, pies at maging cakes at pastries ay kayang-kaya ng Guam Bakery na pag-aaring pamilya Tim at Emily Oftana. Maniniwala ba kayo na nagugulat din daw ang mga mamimili sa bakery na ito kapag nalaman nila na kaya rin nilang gumawa ng cake?! At hindi lang basta cake, kundi wedding cake. "People are surprised that we do wedding cakes. But we do wedding cakes, and in fact we can work with whatever budget people have," pahayag ng manager na si Mervin Tamayo na nalathala sa www.guampdn.com “So if you're willing to spend a lot or a little on your wedding cake, you can come see us and we can work with you. And we try to keep ourselves reasonably priced, especially for the special occasion cakes and birthday cakes. We like to give our customers good value," dagdag ni Tamayo. Dahil Pinoy ang may-ari ng bakery, karaniwang Pinoy rin ang kanilang kliyente. Pero sinisikap naman nila na ang kanilang mga produkto ay pumantay sa panlasa ng ibat-ibang nasyunalidad. May 36 taon na sa merkado ang Guam Bakery. Sinimulan ito ng mag-sawang Tim at Emily sa Tamuning noong 1971. Ngunit paglipas ng ilang taon ay nakarating na ito sa Dededo, malapit sa Marine Drive. Bagaman kilala na sa Northern part ng Guam ang bakery, partikular sa Dedebo, ayon kay Tamayo sinisikap pa rin nila na makarating sa kaalaman ng mga taga-Guam ang paboritong pagkain ng mga Pinoy. "There's still some people that are not from the Dededo area who don't know where we are. But in general, at least in the northern area of Guam, I think people know who we are and what we serve," dagdag ni Tamayo sa www.guampdn.com. Sinabi ni Tamayo na kabilang sa mga tinapay na patok sa Guam ay ang hopia, monay, at pandesal. - Fidel Jimenez, GMANews.TV