Bulacan girl paborito sa ‘Pussy Cat Dolls’ search
Tatlong kalahok na lamang ang natitira sa sikat na talent search ngayon sa US, ang âPussycat Dolls Present: The Search for the Next Doll" ng CWTV5âs kung saan kabilang sa final 3 ang magandang FilAm na si Melissa Anne Leoni Reyes, 19 anyos. Sa website ng CWTV5 na www.cwtv.com, ang larawan ni Melissa ang ginamit na poster dito. Sa pahayag mula sa CWTV, nakasaad nga na isa kina Melissa (Cypress, California); Asia,18, (Mount Vernon, New York) at Chelsea, 20 (Cooper,Florida), ang makakasama sa popular na all-girl singing group na Pussy Cat Dolls. Sa kanilang final showdown na gagawin sa Miyerkules (Martes sa Amerika), ang tatlo ay magpapakita ng galing sa pagkanta bilang isang grupo at susundan ito ng kanilang solo performances. Ang kanilang magiging performance ang pagbabatayan ng mga hurado kung sino sa kanilang tatlo ang makakasama sa susunod na album ng Pussy Cat na Double the Trouble. Ang magsisilbing hurado ay ang Grammy Award winner na si Lil' Kim, Pussycat Dolls founder na si Robin Antin at Geffen Records Chairman Ron Fair. Paborito si Melissa Sinimulan ng CWTV5 ang paghahanap sa bagong miyembro ng Pussy Cat Dolls nitong Marso at inaasahang tatagal ang search ng dalawang buwan. Tinatayang mahigit 1,000 kababaihan mula sa ibat-ibang bahagi ng US ang nag-audition sa nasabing talent search na naghahangad na mapasama sa sikat na grupo na ang lead vocalist na si Nicole Scherzinger, ay isa ring dugong Pinay. Isinilang si Nicole sa Hawaii at minsan na rin siyang bumisita sa Pilipinas kamakailan lang. Filipino ang kanyang ama at Hawaiian/Russian naman ang kanyang ina. Marahil ito ang isa sa mga dahilan kaya maraming Pinoy at Asian ang sumusuporta kay Melissa na manalo sa Pussy Cat search upang makasama niya si Nicole. Sa dalawang on-line voting na nagtatanong kung sino sa tingin nila kina Melissa, Asia at Chelsea ang dapat makasama sa Pussy Cat Dolls, malaki ang lamang ng ating kababayang FilAm. Sa online voting na www.quizilla.com, lumitaw na 65 percent ng mga bumoto ang pumili kay Melissa. Habang 25 percent naman ang para kay Chelsea at 10 percent kay Asia. Samantalang sa online voting na ginawa ng realitytv.about.com; lumitaw na sa 1,405 na bumoto ay 635 o 45 percent ang pumili kay Melissa; 542 o 38 percent kay Chelsea at 226 o 16 percent naman kay Asia. Sa kanyang webpage sa My Space, hindi ikinahiya ni Melissa na ipakilala ang kanyang sarili bilang Filipino/Asian na isinilang noong Marso 31, 1988. Ipinakilala niya ang kanyang ama na si Tony at inang si Belle na tubong Baliuag, Bulacan. Mayroon siyang dalawang nakatatandang kapatid, isang lalake at isang babae. Medyo hindi nga lang maganda ang naging tiempo ng pagkasama ni Melissa sa Final 3 ng search noong Abril 17 dahil noon din nakarating ang balita ng pagpanaw ng kanyang lolo sa Bulacan na si Benigno Luis Leoni. Dahil dito ay kailangang umuwi ng kanyang mga magulang noong Linggo para makadalo sa libing ng kanyang lolo sa Biyernes kaya't hindi niya malayo ang mga ito sa kanyang piling sa "big night" ng talent search. Parehong establisyado na sa kani-kanyang medical careers sa California ang mga mga magulang ni Melissa, at aktibo rin ang mga ito sa Filipino Ministry at Marriage Encounter in the Filipino Perspective na kanilang pinamumunuan. Magaling daw makisama si Melissa at mga magulang nito. Hindi lang pag-awit ang talento nito. Mahusay din siya sa pagsasayaw at pag-arte kaya't hindi nakabibigla na humahatak siya ng maraming boti hindi lang mula sa mga Asian Americans kundi sa ibang nasyonalidad rin. Aminado si Melissa na madali siyang matakotâkaya't lagi na lamang siyang tinatakot ng mga taong malapit sa kanya. Sa edad na walo ay lumitaw na kay Melissa ang pagiging performer at nahasa ito sa Aldeguer Sisters Performing Arts Center at iba pang pagsali sa mga grupo. Nakalabas na rin si Melissa sa B5's music video ng "U Got Me", sa DJ Shadow's music video ng "3 Freaks", at Corbin Bleu's music video ng "Deal With It". Sa online news na www.balita.com, sinabi ni Robin Antin, ang nasa likod ng Pussy Cat, na ang mananalo sa patimpalak ay kailangang taglay ang katangian na "sassy but classy." Masaya ang ama ni Melissa na si Tony sa ipinakikitang husay ng anak. Katunayan ay mayroon umanong mga nag-aalok na i-develop pa ang talento ni Melissa bilang isang total performer. "The elder Reyes added that Melissa has been gathering a large number of fans, who crowd the CW Lounge waiting for their idol, the online report said. "Ang dami na niyang fans, from all over the country. So many are rooting for her," nabanggit ng kanyang ama. At ano man daw ang mangyari sa finale ng Pussy Cat search, manalo-matalo ay panalo pa rin ang kanyang anak dahil sa pamamagitan ng talent search ay nakamit ni Melissa ang hangaring makilala sa buong America, at international pa nga. âMukhang maganda ang magiging future niya. Humble siya, simple lang siya. She doesnât badmouth the other girls. Thatâs probably why sheâs so popular," pahayag ni Mang Tony sa Balita.com. - Fidel Jimenez, GMANews.TV (To view Melissa Reyesâ recent performance, www.youtube.com/watch?v=3x29aJ2TwyE The dancer choreography challenge: youtube.com/watch?v=rxVtGjUgOPQ&mode=related&search= For more information: www.cwtv.com/shows/pussycat-dolls/episodes