Tanggapin ang hatol ng bayan - Arroyo
Habang nag-uumpisa ang bilangan ng boto sa halalan nitong Lunes, nanawagan si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa mamamayan at mga kandidato na tanggapin ang magiging hatol ng bayan at talikuran na ang alitan na idinulot ng bangayan sa pangangampanya. "Rivalries had built up in the last campaign. But we must accept the people's judgment, whether we win or lose. For the nation's good, we must close this chapter of rivalry and open the door to national unity," ani Gng. Arroyo sa pahayag sa media. Idinagdag ng Pangulo na minsan pa ay ipinakita ng mga Filipino na nagkakaisa ito sa pagsusulong ng demokrasya. Pinapurihan din niya ang Commission on Elections at mga ahensiyang kabahagi sa halalan. "I particularly commend our teachers and soldiers for defending peace and order regardless of political loyalties," sabi ni Arroyo. "All the institutions that helped the people safeguard the vote â religious, civic, professional â likewise deserve the gratitude of our nation, together with the foreign observers who came to share our passion and vigilance for democracy," dagdag pa niya. Una rito, inihayag ng Comelec na umaasa silang aabot sa 80 hanggang 90 porsiyento ang bilang ng mga boboto sa mahigit 45 milyong rehistradong botante. Kabilang sa mga pinaglalabanang posisyon ay 12 pwesto sa Senado, 250 puwesto sa distrito at party-list sa Kamara, at mga lokal na posisyon. - GMANews.TV