Charmaine Clamor: Sikat na Jazzipino singer sa US
Kapag lumuluwas sa Maynila mula Subic, Zambales, naririnig ang malamig na tinig ni Charmaine Clamor sa likod ng pampasaherong bus. Aba, sa Amerika, sikat na jazz singer na siya. Talagang malayo na ang narating ng tinig ng musmos na Filipina. Kung dati ay mga kapwa pasahero sa bus ang nakaririnig sa kanyang musika, ngayon ay parami nang parami na ang kanyang tagahanga sa Amerika. Naging natatangi sa maselang pandinig ng mga Kano ang himig ni Charmaine dahil sa kumbinasyon ng Philippines-American jazz music na akmang-akma sa kanyang estilo bilang Asian singer. Sa kanyang pinakabagong album na Flippinâ Out, mistulang tribute ito ni Charmaine sa mga Pinoy dahil ang mga kanta rito ay Tagalog at may tugtugin ding etniko. âOn this album I introduced a genre called âJazzipinoâ â a fusion of Filipino languages (Tagalog and Bisaya), melodies, and instruments with the soul and swing of American jazz. My goal is to have our music and language heard and sung by the world," pahayag ni Charmaine sa e-mail niya sa GMANews.TV. Kabilang sa mga awitin sa Flippinâ Out album ay Panahon Na/Hindi Kita Malimot; Minamahal Kita; Usahay; Sa Ugoy Ng Duyan; Dahil Sa'yo; at, My Funny Brown Pinay. Karaoke queen Tanyag sa ibang bansa ang mga Pinoy sa pagkahilig kumanta. Sabi nga ng iba, saan mang parte ng mundo, basta may karaoke club, tiyak na may Pinoyâat dito hindi naiba si Charmaine. Lumipad patungong US si Charmaine noong 1988 at hindi mula noon ay nagtanghal na siya sa mga kilalang clubs at nightout venues tulad ng House of Blues, The Hop, Pasadena Civic Auditorium, Los Angeles Convention Center, Glendale Civic Auditorium at Cerritos Performing Arts Center, at iba pa. Sa kanyang sulat, ikinwento ni Charmaine na nadiskubre siya sa isang Pinoy karaoke joint sa Glendale, California ng isang kilalang musical director. âI was discovered at a Filipino karaoke joint in Glendale, California by the founder and musical director of Crescendo, Bobbie Garcia. Performing as the alto of Crescendo, a vocal jazz quintet, I started my professional career in music," aniya. Nagsilbi rin siyang back-up singer ng ibang mang-aawit kasama na ang mga Pinoy na nagtatanghal sa shows sa Amerika. Kabilang sa mga nasamahan ni Charmaine sina Jeffery Osborne at James Ingram, at mga Pinoy artists na sina Gary Valenciano, Banig, at Timmy Cruz. Ang hilig niyang ito sa pagkanta ay ginagawa ni Charmaine habang nag-aaral. Katunayan ay kumuha pa siya ng masteral degree in physical therapy sa California State University-Northridge. Taong 2003 nang magdesisyon si Charmaine na iwanan ang pagiging physical therapist at abutin ang kanyang pangarap na maging solo jazz singer. Tulad ng ibang kwento ng tagumpay, mayroon ding mga pagsubok na pinagdaanan si Charmaineâlalo na sa isang katulad niyang dayuhan. âI faced the same challenges that every immigrant who is pursuing the arts experiencesâ the fear of not having a secure future. This is difficult for anyone, but even more so for immigrants, because we have this strong desire to be financially stable so that we can help our family here and back âhome," pagbabahagi pa ni Charmaine. At mula sa pagiging miyembro ng jazz harmony quintet na Crescendo noong 1999, may sarili ng tatak ang minsan ay musmos na Pinay na sa likod lang ng bus kumakanta at kinilala bilang Charmaine Clamor. Di nakalilimot Kahit halos taun-taon ay umuuwi siya sa Pilipinas, marami pa rin daw nami-miss sa bansa si Charmaine, lalo na ang masayang selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon. âI miss the Christmas and New Year celebrations. There is nothing like the way Filipinos celebrate these two holidays! I miss my family and friends -- not just their presence but also to see them grow and to see them in their day-to-day living," pahayag niya. Nais din ni Charmaine na maipamalas sa mga kababayan niya sa Pilipinas ang kanyang sining. Nito lang Enero 2007, nagtanghal siya sa 2nd Manila International Jazz Festival. âI had a wonderful time, and I'm planning on another visit and concert tour in 2008," dagdag pa niya. Sa isang cut o awit sa kanyang album na âFlippinâ Out , ikinwento ni Charmaine ang kanyang mga dating karanasan bilang isang ânegrita" na sinubukang paputiin ang balat at patangusin ang ilong. âI recall desperate (and fruitless) attempts at bleaching my skin with papaya soap. I tried pinching my nose every night, hoping I would wake up the next day to find it nice and pointy. (Take a look at my face: It didn't work!)," natutuwa niyang pahayag. âI'm trying to communicate to all my dear Pinay sisters a sincere appreciation of their Indio beauty. I say with the utmost pride, Stay, don't change your hair -- or anything else. Because you are Filipina, and you are beautiful," dagdag pa ni Charmaine. Sa kanyang e-mail, sinabi ni Charmaine na kabilang sa hinahangaan niyang mga kompositor sina Ryan Cayabyab; George Canseco; Jimmy Borja; Manuel Francisco; Rey Valera; Gary Granada; Mon David; Cecil Azarcon; Gary Valenciano at Ogie Alcasid. Sa hanay ng mga mang-aawit, saludo siya kina Mon David, Sandra Viray, Kuh Ledesma, Lani Misalucha at Grace Nono. Gayundin ang Apo Hiking Society at si Gary Valenciano. Paborito n'ya ang mga awiting Tuwing Umuulan, Kahit Ikaây Panaginip Lang, Ang Iibigin ay Ikaw, Bukas na lang Kita Mamahalin, Hindi Kita Malilimutan, at iba pang awitin na likha ng kanyang mga paboritong kompositor na Filipino. Ano naman ang payo ni Charmaine sa mga kapwa Filipino na naghahangad na maabot ang pangarap sa ibang bansa? âGo for it! Our life is short and we want to live every day feeling fulfilled. Do not forget where you came from. In fact, this will strengthen you and will make you unique. Be organized and dedicated. Have big ears and big eyes. Listen, look, feel, live!," aniya. âAppreciate other peopleâs gifts. Love your family and friends and continue growing with them. Think positive. Donât let negative thoughts get in the way of your desires. Keep growing in your field. And, above all, take care of yourself physically, emotionally and spiritually," pagtatapos ni Charmaine. - GMANews.TV