Duterte: Pagkakaisa ng ASEAN region, maaaring sirain ng droga
Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga sindikato sa droga ay isang malaking problema na maaaring maging banta sa pagkakaisa ng rehiyon ng ASEAN.
Sa Business and Investment Summit ng ASEAN leaders noong Martes sa Laos, sinabi ni Duterte na isang "pressing problem" ang droga sa PIipinas at kahit na sa buong rehiyon.
At dahil dito, nangangailangan umano ang rehiyon ng "stronger resolve" laban sa "transnational crime," giit ni Duterte sa isang pulong ng business representatives galing sa iba't ibang mga bansa ng ASEAN na nagtitipon-tipon sa Laos.
"The trade in illicit and illegal drugs in particular has emerged as a pressing problem for our countries, undermining social cohesion under rule of law and a social economic problem," giit ni Duterte.
Ayon sa ulat ng Rueters, mahigit na umano sa 2,400 na ang napatay sa ilalim ng ng kampaya ng Duterte administration laban sa iligal na droga, at mahigit 1,000 sa mga ito ay napaslang sa operasyon ng mga pulis.
Dagdag ng ulat, ang natitira na mga kaso ng pagpatay ay kinokonsiderang "deaths under investigation" na ang pakahulugan, ayon sa human rights activists, ay vigilante at "extrajudicial killings."
Hayagang binabanatan ni Duterte ang mga kritiko sa kanyang giyera laban sa droga, at isa sa mga nabiktima ng kangyang mga maaanghang na salita si US President Barack Obama kamakailan, bago ang nakatakdang ASEAN leadres' summit sa Laos.
Nagpasya ang Washington na kanselahin ang nakatakda sanang pulong nina Duterte at Obama, sanhi ng mga binitiwang salita laban sa Pangulo ng Estados Unidos.
Nagpahayag naman ng "regrets" si Duterte sa kanyang nasabi laban kay Obama.
Makailang beses din umanong ipinaliwanag ng Malacañang ang "paumanhin" hinggil sa mga salita ng Pangulo.
Sa ulat ng Reuters sinabi ng Malacañang na:
"President Duterte explained that the press reports that President Obama would 'lecture' him on extrajudicial killings led to his strong comments, which in turn elicited concern. He regrets that his remarks to the press have caused much controversy," ayon umano sa pahayag mula sa Palasyo.
"He expressed his deep regard and affinity for President Obama and for the enduring partnership between our nations," dagdag ng pahayag. — LBG, GMA News