ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Dalagita sa La Union patay sa sakit na dengue
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BALITANG AMIANAN â Isang batang babae ang nasawi sa San Fernando City, La Union dahil sa sakit na dengue. Ang biktima ay kinilalang si Nicole Valdez, 12-anyos, residente ng Brgy. Carlatan. Napuna rin ng City Health Office ang pagdami ng mga pasyente sa tatlong malalaking ospital sa nabanggit na lugar dahil sa sakit na dengue. Mula buwan ng Enero hanggang Agosto ng taong kasalukuyan, umabot na sa 208 ang naitalang nagkasakit ng dengue, ayon kay Dr Eduardo Posadas, City health officer II. Mas mataas ito kung ikukumpara sa 92 kaso ng dengue na naitala noong 2009 sa parehong panahon. Ang 10 barangay sa San Fernando na may pinakamataas na kaso ng dengue ay ang: Carlatan â 20 kaso Sevilla - 20 Lingsat - 19 Catbangen - 13 San Vicente -10 Tanqui -10 Dallangayan Este - 8 Cabarsican - 7 Parian - 7 Cabaraon - 7 Kasabay nito ay patuloy ang isinasagawang monitoring lalo na sa mga lugar na maaaring pangitlugan ng lamok na nagdadala ng virus na dengue â Balitang Amianan
More Videos
Most Popular