ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Timeline of the Mamasapano clash, according to President Aquino
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
During a televised address on Wednesday evening, President Benigno Aquino III recounted the events that led to the killing of 44 members of a special unit of the Philippine National Police-Special Action Force on Sunday after a firefight against Moro rebels. Here's a timeline of events, as told by the president:
January 24, 2015, evening — Aquino said that an SAF group went to Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao to serve the outstanding warrants of arrests against Filipino bomb maker Abdulbasit Usman and Malaysian terrorist Zulkipli Bin Hir alias Abu Marwan.
"[N]ang nalaman ng ating kapulisan ang tutok na lokasyon nina Marwan at Usman, nagdesisyon silang kumilos upang ipatupad ang mga warrant sa mga ito. Actionable intelligence po ang nakalap ng ating mga awtoridad: Hindi lamang rehiyon, o probinsiya, o munisipyo ang natukoy nila, kundi ang mismong mga bahay na pinagtataguan ng dalawa. Kung hindi aaksiyunan ang kaalamang ito, maaaring makatakas sina Marwan at Usman, at kakailanganin na namang simulan ang mahabang proseso ng paghahanap sa kanila.
"Kung hindi aaksiyunan ang kaalamang ito, maaaring makatakas sina Marwan at Usman, at kakailanganin na namang simulan ang mahabang proseso ng paghahanap sa kanila."
January 25, 2015, 4 a.m. — The SAF team reached the terrorist hideouts and attacked Marwan's group. But this gave Usman's group time to prepare for the police officers.
"Pasado alas-4 ng umaga ng Linggo nang umabot ang Special Action Force sa kutang pinagtataguan nina Marwan at Usman. Sa nangyaring engkuwentro, diumano’y napatay ang pangunahing target na si Marwan. Nang marinig ang putukan, nanlaban naman si Usman at ang kanyang mga kasamahan. May mga non-combatants na nakita sa mga tirahan nina Marwan at Usman; kinailangan talagang dikitan sila ng ating mga puwersa para maiwasang madamay ang inosente.
"Unang inatake ang bahay ni Marwan; rumesponde naman sina Usman at nawala ang element of surprise na siyang magpapahirap na matupad ang kanilang misyon.
"Kaya naman, minabuti ng SAF na umatras at makipag-rendezvous sa mga kasamahan nilang nagbabantay ng kanilang daraanan papalabas sa lugar ng engkuwentro. Lumalabas pong sa withdrawal na ito nangyari ang pinakamadugong bahagi ng sagupaan."
January 25, 2015, after 4 a.m. — Aquino said that the battalion of Armed Forces of the Philippines assigned to the area only knew about the operation when the SAF team already jumped off to its mission.
"Sa madaling salita, dikit na sa oras ng engkuwentro ang abiso, at mahirap masabi kung nagkaroon ng sapat na panahon upang ihanda ang ayuda kung kakailanganin."
He also said that the Western Mindanao Command head and the 6th Infantry Division only knew about the incident after SAF's first encounter with the terrorists.
"Nagulat nga po akong malaman na ang pinuno ng Western Mindanao Command, o maski ng 6th Infantry Division, ay tila naabisuhan lamang matapos ang unang engkuwentro laban kina Marwan at Usman; palabas na ang puwersa ng SAF, at nagkakaroon na ng problema sa puntong ito." — Trisha Macas/JST, GMA News
More Videos
Most Popular