ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
FULL TEXT: PNoy’s open forum with Christian leaders
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
President Benigno Aquino III's question-and-answer with Coalition of Christian Leaders
Monday, 09 March 2015, Malacañang
(from the Presidential News Desk)
(from the Presidential News Desk)
Bishop Leo Alconga: Maraming, maraming salamat po, Mr. President, for that inspiring, hope-giving message. Kaya po patuloy kayo pong makakaasa ng aming dalangin para sa inyo. Now we go to our presidential question-and-answer hour. Mayroon po tayong mga selected leaders na sila po ang magtatanong ng mga tanong na may kaugnayan po sa mga nangyayari sa ating minamahal na bansa, and we are very, very glad that the President is very much willing to answer these for us, and to clarify matters for us. Ang una pong magtatanong, Mr. President, ay si Pastor Ed de Guzman.
Pastor Ed de Guzman: Mr. President, maraming pong mga opinyon ang iba’t ibang tao tungkol sa Mamasapano incident. Maaari po bang malaman mula sa aming Pangulo mismo kung ano po ang mga tunay na kaganapan dito?
On the Mamasapano clash
On the Mamasapano clash
Aquino: ‘Yung sa Mamasapano ho, alam naman po ninyo, ang objective natin dito mayroong tinutugis na dalawang kilabot na terorista. ‘Yung isa ang ngalan ay ‘Marwan,’ ‘yung isa naman ay isa Basit Usman. Si Marwan ay Malaysian at si Basit Usman naman po ay Pilipino.
Ngayon, mayroon hong outstanding warrants, and tanda ko po—kunwari si Marwan—2002 pa ho tinutugis na. So miyembro ho raw si Marwan ng grupong tinatawag na Jemaah Islamiyah at miyembro ng central committee nila—mataas hong opisyal doon sa grupong ito—affiliated, allegedly, with al-Qaeda. Sila po ang inakusahan na nasa (likod ng) pambobomba sa Bali, Indonesia kung saan—kung tama ho ang tanda ko—lampas 200 katao ang namatay. Doon sa pambobombang ‘yon talagang gustong maghasik ng terorismo na nagpaputok ng isang bomba, hinintay magdatingan ‘yung first responders at saka, ‘yung sa ating kataga, ‘yung ‘usisero;’ ‘nung marami nang nagkumpol-kumpol doon, pinaputok ‘yung pangalawang bomba kaya ang dami hong namatay.
So mula 2002 hanggang itong taon nga hong 2015 ay talagang nagkakalat (siya) ng kanyang kaalaman sa paggagawa ng bomba sa iba’t ibang mga grupo na gustong magpatuloy ng karahasan. So marami pong operations na nangyari na bago pa noong panahon ko para madala itong si Marwan, si Usman, at iba pang mga terorista sa ating mga korte. Ito hong huling plano ay tinawag na ‘Oplan Exodus.’ Napakarami na hong mga planong hinain. ‘Yung sa panahon ko, mayroon akong naalala noong 2012, may mga operations noong 2013, at mayroong mga operations din noong 2014. Kung minsan po AFP (Armed Forces of the Philippines) ang nangunguna sa operations—sila ang may tinatawag na actionable intelligence—mayroon naman po kung minsan ang PNP (Philippine National Police).
So dito po sa plano, dapat papasok ang—‘yung tinatawag nilang seaborne na SAF (Special Action Force)—sila po… Well, ‘yung explanation sa akin ‘nung umpisa, 160 na seaborne SAF ang mag-a-undertake ng mission na kung saan susuportahan—sa aking utos—sila ng AFP, lalo na doon sa pagpasok stealthily, paglabas. Mayroon ho kasing kalaban na tinatayang mula tatlo hanggang apat na libo (3,000 to 4,000)—parang potential na kalaban. Nandiyan po ‘yung grupo ng BIFF (Bangsamoro Islamic Freedom Fighters); nandiyan po ‘yung MILF (Moro Islamic Liberation Front); nandiyan po ‘yung private armed groups na diumano ng Ampatuan. 2013 po nag-service ng warrant para sa isang suspect sa Maguindanao massacre, at ‘nung sinerve (serve) po ito, lumaban; napatay po ‘yon, nahuli ‘yung kanyang mga kasamahan; paglabas po kasama ng mga naaresto, nangyari po ‘yung tinatawag sa practice sa Mindanao, ‘yung tinatawag nilang ‘pintakasi.’ ‘Yung nagsama-sama ang kung anu-anong puwersa, kadalasan Muslim, at ‘pag maliit ‘yung puwersa ng estado ay—sa Tagalog po—‘kinukuyog.’ E (sa) pagkakataong ‘yon maganda ho ang coordination. Tatawagan ‘yung mechanized brigade, pasok ‘yung mechanized brigade, nailigtas po ‘yung ating mga miyembro ng PNP regional office sa ARMM (Autonomous Region of Muslim Mindanao).
So dumating po itong operation. Mayroon po tayong ‘nung mga, unang-una, actionable intelligence. Ano ba ang ibig sabihin ‘non? Itong si Marwan, si Usman, pinpointed ang tinitirhan. Hindi ho nakita dito, nakita diyan. Normally, ‘pag sinabing ‘sighting,’ may isa tayo o dalawang ahente ng intelligence na wala hong magagawa kung nag-iisa o dalawa. Pero ngayon po, medyo ilang buwan na silang pumirmi, tumigil at nagcu-cultivate po ng maayos na pagkilos dito sa lugar nga ho sa Mamasapano. So gumawa ho ng plano, prinisenta sa atin ‘yung pinakahuling version ‘nung January. Prinisenta po sa atin ‘yung buong plano sa pamamagitan ng isang Power Point presentation na kung titingnan po natin ay nakapa-thorough ‘nung planning. Ultimo po ‘yung ano bang phase ‘nung buwan, ‘yung gaano kalakas ba ang illumination ng buwan, naka-plot po doon sa kanilang mga dates. Bakit namin pinili itong petsang ito? Ipaliwanag ko lang po nang konti, pasensya na ho kayo medyo mahaba ‘yung details, ano.
‘Yung night vision ho, device, siyempre ‘pag walang buwan o mahina ‘yung buwan—palubog ‘yung buwan—maximum ‘yung effect niya dahil ‘yung kalaban natin na walang night vision siyempre madilim ang ino-operate. So ang lamang po ng ating puwersa, mayroong night vision device, pipili ng araw kung saan mahina ‘yung illumination ng buwan o may cloud cover na dagdag para ma-maximize ‘yung advantage nila. So pupuntahan ‘yung target, papasukan, nag-jump off ng 10:00 ng gabi—‘yon pong detalye nalaman ko na after—pero gabi, papasok doon, madaling araw—mga ala-una, alas-dos—matatapos ‘yung misyon, tapos lalabas. ‘Nung prinesent (present) na po ‘yung plano, siyempre, hindi ho lahat ng detalye hiningi ko. ‘Yun bang, ‘ano ba ‘yung actual na rutang tatahakin? Ilan ba ang tatahak sa rutang ito?’ Mayroon pong tinatawag sa gobyernong ‘presumption of regularity.’ ‘Yung taong kausap ko hong expert, dapat hindi ko na siya turuan ng… Kunwari ho, college level na, hindi ko na tatanungin ng ‘paki-recite mo nga ‘yung A, B, C, D,’ ‘di ba? So parang sa presentation mukhang pinag-isipan lahat, ang hindi ko lang ho—o hindi ako masaya doon sa plano, sabi ko, 160 ‘yung gagamitin mo diyan at 3,000 to 4,000 ‘yung potential na baka maging kalaban, baka naman mapintakasi tayo o siguradong mapipintakasi tayo at mabibilad ‘yung mga tao mo.
So sinabi ko sa kanya kailangan makipag-coordinate ka sa AFP. ‘Yung AFP po kasi—kausap ko dito si Director (Getulio) Napeñas—‘yung AFP ho ang may kanyon, may armored vehicles, may eroplano. ‘Pag sinabi hong coordinate… Sabi niya sa akin, ‘sir, magko-coordinate kami sa jump-off’—kumbaga, pagkilos. Sabi ko hindi pwede ‘yung pagkilos dahil patungo ka na doon sa objective. Kailangan i-posisyon ‘yung kanyon; kailangan i-posisyon ‘yung tangke; kailangan i-posisyon ‘yung eroplano; kailangan i-posisyon ‘yung tao; kailangan i-posisyon ‘yung gasolina at saka ‘yung bala ng kanyon, ‘yung bomba ‘nung eroplano, et cetera. Hindi mo naman magagawa ‘yan in 30 minutes or less. Sabi nila, ‘sir, ‘yung operation on security.’ Kausapin niyo ‘yung pinakamataas na kailangang kausapin na pwede niyang utusan lahat itong subordinate units na pumunta sa kani-kanilang mga puwesto para reding (ready) umalalay.
Ngayon ho, ‘yung sagot niya sa akin ‘nung una, ‘jump-off;’ hindi ako pumayag. In-insist ko several days before, pinakamataas, dahil nabilinan ko rin po beforehand doon sa ibang operation—Chief of Staff ng AFP at saka Director General ng PNP—mag-coordinate kayo para hindi kontrahan ‘yung mga ginagawa ninyo, para matugis itong dalawang ito. So sinagot po niya sa akin: ‘Yes, sir.’ Dumating ‘yung araw, January 25, ‘di po ba—baka itatanong niyo kung bakit tandang-tanda ko ‘yung petsa? Birthday po kasi ng nanay ko ‘yon e, at tumungo kami sa Zamboanga dahil doon sa pambobomba na nangyari na kung saan lampas 50 katao ang nasugatan, may dalawang patay. Una kong natanggap na text, nandito pa ho sa telepono ko, parang pinadala ng 5:45—aminin ko nakapatay ‘yung telepono ko, 7:00 more or less ‘nung pagbangon (ko) binuksan, sinagot ko siya ng about 7:30 or so—at sinabi sa akin doon sa text ni Director General (Alan) Purisima… Sa kanya ko ho dinadaan kasi parati mula nung umpisa ‘yung mga mensahe ng director ng SAF. Hindi ko ho kausap ‘yung director ng SAF e, diretsuhan, mula ‘nung umpisa. So naabot si Marwan, na-neutralize, nagkaroon ng firefight at napaatras sila. Sa dulo ho sa palitan namin, tinanong ko—kasi nakalagay ho sa text niya 15 hanggang 20 katao ang lumaban dito sa puwersa natin—so ang tanong ko sa kanya: ‘160 ‘yung ipinadala ninyo, mayroong suporta ng AFP at saka PNP units pa, bakit aatras ‘yung 160 kung ang lumalaban 15 hanggang 20?’
Mayroon hong doctrine sa militar kasi, ‘pag mayroon kayong gustong i-take na objective,’ minimum ratio is three-to-one (3:1). ‘Yung aatake ho dadaan sa open ground, ‘yung nagdedepensa naman nakakubli, so mas maraming malalagasan sa nag-a-attack. When you want to take an objective, the ratio therefore of attackers to defenders is three-to-one, and when you want to take and hold their objective, it has to be eight-to-one. So 160 po ‘yung atin, 15 to 20 ‘yung sa kanila, bakit umatras ‘yung 160 natin? At parang doon po, medyo napag-isip na ako, ‘mukhang may kulang yata dito sa sinasabi.’ Tapos ang paliwanag nakihalo raw po ‘yung BIFF kaya naobliga hong umatras ang ating mga puwersa.
Ngayon ho, ‘yung… Marami hong detalye e. Ayoko naman ho kayong lunurin sa detalye, pero simpleng-simple ho, ganito ‘yung mga nakita natin sa umpisa’s umpisa: ‘Yung kung saan ho kayo nakaupo ngayon—damuhan, ‘di ho ba?—ngayon, ganyan ho ‘yung hitsura ‘nung 80 percent ng lupain dito sa area na ito. Kumbaga ho, ang idea, ‘yung seaborne lulusob; ‘yung SAF 55 ang aalalay sa kanila; babantayan ‘yung escape route. Ang problema ‘yung babantayan na lugar, ganyan, damuhan; walang punong kukublihan—kung mayroon man, mga ilang punong niyog, ilang puno ng saging, ‘yung iba maisan. ‘Yung mais ho hindi haharang ng bala; ‘yung saging hindi rin siguradong haharang ng bala. Ngayon, isipin po ninyo, 38 ang lumusob na SAF na seaborne; ang sasalo sa kanila 36 ng SAF 55. Kung ‘yung 38 umatras, ibig sabihin may humahabol na puwersang malakas, tama ho ba? Kung malakas ‘yung puwersa na hindi mahinto ng 38, siguro mas hindi matutulungan ng 36, maliban na lang ho kung mayroong tinatawag na… ‘Di ba, mayroong itinuturong sa ating ‘choose your battlefield?’ Ibig sabihin ‘non, hanap ka ng terrain, lamang ka. Mayroon kang pagkukubliang mga malalaking bato; mayroong mga punong magtatago ng puwesto mo; may oras ka na gumawa ng foxhole, ‘di ba? Tapos magugulat ‘yung humahabol. Pero ang problema nga ho, ganyan pala ‘yon. Hindi ho sinabi sa aking… ‘Yung picture na ipinakita sa akin iba-ibang—‘yung darkness ho ng green e. So parang ‘pag tinitingnan mo, ‘o dito mukhang makapal na makapal ang puno; ‘pag dito tiningnan mo—o dito mukhang cultivated land,’ so mayroong… Pipili ka ng puwesto… May in-establish ho kasi ‘nung papasok at dalawa ‘yung exit route; babantayan ‘yung exit route na lamang ka sa puwesto—‘yon may posibilidad ‘yon na kaya mong harangin ‘yung mas malaking puwersa.
So ang problema nga ho nito, bakit walang foxhole? Wala hong entrenching tool pala itong SAF. Entrenching tool ho ‘yung pwedeng pala, pwedeng piko, gagawa ka ng foxhole. Wala palang terrain na pagkukublian. Tapos ang masakit pa ho, inutusan lahat itong mga susunod na aalalay doon sa seaborne, bawat platoon—tawag ho nila ‘company,’ pero actually ang dineploy (deploy) doon platoon—‘yung platoon ho mga 30 katao. Babantayan ang tatlong waypoint. ‘Yung tatlong waypoint, maghahati pa pala itong 30, tapos tatayo sa damong ganyan. Kung alam ko ho ‘yung parte ng planong ‘yon, palagay ko ho hindi na natin in-approve. Sandali lang, paano haharang ito, paano aalalay kung wala silang advantage ng terrain?
Ngayon po, ano ang mga nangyari pa? Pagtawid una ‘nung seaborne, biglang mataas ‘yung tubig at malakas ‘yung current. Ang nakatawid doon sa 38, 13. So ‘nung ginawa ‘yung plano—‘yung seaborne na operator po kasi 50-plus e—hindi ginamit ‘yung buong 50-plus, ang ginamit 38. So 38 was deemed enough at mayroon kang reserved, kung tutuusin, doon sa unit para ma-accomplish ‘yung pagtira doon sa dalawang target and then ‘yung pagkuha. ‘Nung nangyari ‘yon, 13 na lang ang natira, one-third na lang ng puwersa mo; pwede na hong nagsabing ‘abort.’ Teka muna, kailangan natin times three, ang dadalhin natin one-third; mukhang malabo itong planong ito. First time na—‘yung sa pagtingin pa lang po doon sa nangyari. ‘Yung SAF 55 naman po na umabot sila sa waypoint 12, ang debate po dapat nasa waypoint 19 sila. Waypoint po parang ‘yung sa GPS (global positioning system), dapat nandito kayo sa puwestong ito. So ang distansya po bawat waypoint between 100 to 200 meters, so malayo sa puwesto para makaalalay ‘yung SAF 55. Pwedeng… ‘Nung nalaman ko… Ang makakaalam po nito ‘yung tactical command post kung saan nandoon si Director Napeñas. Kulang ‘yung seaborne na nakatawid muna ‘nung ilog, malayo ‘yung aalalay, pwede na niyang sinabi ‘yung ‘abort.’ Dahil nahuli sa pagpuwesto ‘yung SAF 55, ‘yung SAF 41 to 45 na nauna na bumabantay ng ruta at saka ng kalsada, nahuli rin. Dapat silang i-deploy 2:30 ng umaga, dineploy sila ng 5:30 ng umaga. Ang problema po ng 5:30 ng umaga, malapit nang sumikat ‘yung araw, wala nang silbi ‘yung night vision mo—hindi ka na lamang. Pwede na namang sinabi ‘yung ‘abort.’ Parang makikita naman niyang, ‘Uy! 2:30, e 3:30 na hindi pa nakapuwesto; 4:30 na hindi pa nakapuwesto; 5:30 na hindi nakapuwesto’—pwedeng i-abort. Sasabihin—[baka ho may] magtatanong: ‘bakit hindi siya nag-abort?’ Hindi ko ho alam. Dahil marami ho silang ibang operation na nag-abort at iba-iba ang dahilan.
Sa totoo lang ho, dito sa pagkakausap ko sa SAF, doon sa plano parati pong mayroong isang pahina na sinasabing ‘kailan tayo pwedeng mag-abort?’ Dito ho tinanggal ‘yung pahina. Nawala doon sa operations nila na mayroong parang pahintulot na pwede kayong mag-abort. Ngayon ho, ang masakit, pagdating nitong SAF 41 to 45, pagbaba nila ng sasakyan, ang testimonya ng mga hepe nilang nandoon, nagpuputukan na. Ang dapat siguro ‘non—mga 300 mahigit po ito, mga 318 o 319—inipon mo ‘yang puwersang ‘yan, dinikitan mo na as much as possible, sinubukan mong tulungan ‘yung SAF 55. Ang inutos daw ho sa kanila, ‘punta kayo doon sa mga waypoints ninyo.’ Parang tinuloy ‘yung plano na nagbago na ‘yung nangyayari o ‘yung kondisyones. Tapos ‘nung hinati-hati dito sa kanilang mga waypoints—siyam na waypoints yata silang hinati doon sa 300—hindi, sandali ho. ‘Yung tatlong kompanya, hinati sa siyam; tapos ‘yung dalawang kompanya pa o platoon, actually, iniwan doon sa kalsada para bantayan ‘yung kalsada, hindi sila ma-ambush doon sa kalsadang ito. ‘Nung hinati-hati ‘yung puwersa, bigla nang nakapag-isip, mukhang kailangan nating tulungan ‘yung 55, ipunin lahat ‘yan. Siyempre, tumatakbo na po ‘yung oras, nagbabakbakan na; hinati-hati mo, iipunin mo; by the time na nakalapit po sila, ang testimonya sa akin, napalibutan na nang husto ‘yung SAF 55—hindi sila makalapit. Sumubok hong tumulong, supposed to be, ‘yung SAF 45 sa isang side; tapos ‘yung bumabalik po na seaborne, sumubok ring makipag-link up dito sa SAF 55. Pero masyadong malakas daw ho ‘yung putukan, ‘yung mortar, hindi sila makalapit.
Ngayon ho, ‘yung ginawa ho ni Director Napeñas, ‘yung sinabihan niya akong 160 ang gagamitin dito, ang dinala niya doon over 390. Tapos, siyempre, iniisip natin bakit niya ginawa ito? ‘Nung sinabi ko sa kanyang ‘yung 160 manipis, inisip niya: ‘teka muna, kumuha na ako ng lahat ng madadala ko diyan.’ So ‘yung 160, times two, 320; dinagdagan pa niya kaya naging 390. Siya lang ho—at ilan sa kanila doon sa senior na group—ang nakakaalam na hindi sila nag-coordinate sa AFP. ‘Yung coordinate po: ‘Dito kami papasok, dito kami lalabas; ito ang potensyal na haharang sa amin, ito ang kailangan naming alalay sa inyo,’ ‘di ba? ‘Yon ho ang coordination e. Ngayon, sana ho pwede kong masabing ‘tatanga-tanga si Napeñas, hindi niya alam ‘yung lugar.’ Ang problema ho siya ‘yung regional public safety battalion commander ‘nung 2007 to 2008. Alam po niya ‘yung terrain; alam po niya ‘yung kultura. Siya po ang may alam na hindi siya nag-coordinate sa AFP. Idagdag ko pa ho, nagkaroon ng… ‘Yung AFP bakit naman nila alam na may ganitong operation? ‘Nung AFP Day po ‘nung 2014, nagkaroon ng coordination meeting, na para bang nag-usap ng concept. Walang sinabing detalye. Sa dulo po ‘nung meeting, hihintayin ng AFP ‘yung mga detalye para makapagplano sila ng kanilang papel. Nagkaroon ng pangalawang meeting sa Zamboanga, wala pa rin ‘yung detalye. So ang pananaw ng AFP, walang operation, hanggang humihingi na ng saklolo alas-sais ng umaga—pabalik na. Tandaan ho ninyo, nangako siya ‘nung una, ‘jump-off’—10:00 ng gabi ‘yon—sabi ko, days before. Hindi nagawa ‘yung days before, hindi nagawa ‘yung 10:00, ginawa po niya ‘nung pabalik na ‘yung tropa—‘yung ‘time on target’ na tinatawag nila.
Ngayon, ‘yung AFP ho sumubok tumulong, ‘yon bang… Sa totoo lang ho, may mga radyong sophisticated na ginagamit po ng Sandatahang Lakas at saka ng pulis. Sa pulis po dalawang klase pa ang mga radyo. Pero ‘nung araw na ‘yan parang maraming gumamit ng cellphone. At ‘yung cellphone hindi ho maganda ang signal sa ibang lugar, nagkaroon pa ng question ng load, ‘yung mga ganoon ho—kasama na ho ‘yon sa itutugis ng Board of Inquiry. Pero ang bottom line ho, kung alam ko na ganito ang gagawin niya from the start, ay hinindian ko ho itong misyon na ito. Parang ‘yung pwedeng-pwedeng maging successful na misyon, sa ginawa niyang plano, parang naging mission impossible. Ngayon ho, ‘yung masakit ho nito sa totoo lang, bago ako umalis at tumungo ng Zamboanga, nakatanggap ako ng dalawang text: isa galing kay Director General Purisima kung saan nilagay doon na ‘yung artillery saka ‘yung armor ay tumutulong na. Hindi ‘tutulong’ pero nakalagay po doon are ‘all ready insupport.’ Nag-text po si Napeñas, ipinadala niya sa liderato ng PNP—kay General (Leonardo) Espina—mga alas-singko na ng umaga, o baka alas-sais na ng umaga, kung saan ang pinaka-importanteng parte doon sa ipinadala niya… Sinabi naman ho ‘yung ‘si Marwan nakuha, umatras ‘nung may nakipaglaban…’—ganyan. Sa dulo po ‘nung text ni Napeñas, nakalagay doon, ‘extraction ongoing.’ Hindi ho ‘extraction is imminent’ or ‘extraction started’—‘extraction is ongoing.’ So binalikan ko po itong mga text dahil sabi ko, ‘bakit ba wala akong sense of urgency na delikado ang mangyayari o nangyayari doon sa SAF 55?’ ‘Pag sinama niyo ‘yung dalawang texts, tapos ‘yung nag-‘yes, sir’ sa akin… Ako lang naman po ‘yung Commander-in-Chief, sinabi ng subordinate ko na tutuparin niya ‘yung utos ko—at mayroon naman pong nangyari noong 2013 na ‘pag tama ang coordination ay hindi ho napapahamak, ‘di ba, ‘yung ating tropa—akala ko ho tapos na ‘yung insidente. Pagdating ko ho ng Zamboanga City, doon naging klaro, halos walang may alam. Naging maliwanag na walang coordination. ‘Yung nasaan ba actually ang tinutulungan natin?
‘Yung seaborne ho na SAF, sa totoo lang hapon na, late afternoon bago tayo sinabihan na mayroong—dalawa pala ang sinasalba nating SAF units, hindi lang ‘yung 55. Ngayon ho, ‘yung… Sa totoo lang, naghanda tayo pati eroplano. Pag-alis ko ho sa Villamor patungo ng Zamboanga, sabi ko sa commanding general ng Air Force, sabi ko ‘yung operation natin kay Marwan ha, siguraduhin mo ‘yung available assets talagang available.’ Sagot sa akin: ‘Yes, sir.’ Alam ko nag-coordinate sila lahat e. Pag-alis ko, tumawag siya sa Western Mindanao Command, sinabi ‘ano ba ‘yung operation kay Marwan?’ So talagang mayroon pa hong mga ibang detalye na pababayaan ko na ‘yung Board of Inquiry. Pero madaling… Mapapakita po sa lahat ng ebidensya—cellphone records, witnesses, et cetera—sinolo ni Napeñas, siya ang nag-desisyon, at ang dami niyang mga desisyon… Parang may times hindi yata nag-desisyon, may times ho ‘yung desisyon niya palpak. Pero pag-alis na pag-alis niya sa akin noong January 9, or thereabouts, mukhang lumalabas ngayon wala siyang intensyon na tuparin ‘yung utos ko sa kanyang makipag-coordinate.
Ngayon ho, kung may coordination sana, ‘yung seaborne ho… Nagkaroon… Una, isa lang ang sugatan sa kanila, pero ‘nung hinabol nang hinabol sila umabot ng siyam ang kanilang casualties. ‘Yung kaya nasalba nakapaputok ang AFP ng tinatawag nilang marking rounds: papuputok ng artillery round, makikita mo kung saan tatama, mag-a-adjust kayo—iabante ninyo, iatras ninyo, igilid ng kanan, kaliwa. Nagpaputok ng isa, hindi nakita; nagpaputok ng pangalawa para makita ulit; at inabutan ng pangatlo para manigurado. ‘Yung kalaban, nakita tatlo na ang pumutok, akala po nila dahil ‘yon ngang… Normally, ‘pag nagpaputok ka ng marking, ‘yung una sobra; ‘yung pangalawa, kulang; ‘yung pangatlo, sentro—pagtapos ‘nung pangatlo… So tatawag na ngayon ‘yung commander on the ground ng ‘fire for effect,’ bubuhusan na ng rounds ‘yon. So ‘nung pumutok ‘yung tatlo, akala ng kalaban parating na ‘yung artillery na bubuhos sa kanila, umatras—doon na-rescue ‘yung seaborne. Kung nag-coordinate sa umpisa’t umpisa, sa atras nila mayroon na tayong artillery na haharang doon sa humahabol, iba ho ang usapan. Pero dahil wala hong sinabihan, hindi nag-coordinate; ‘yung coordinate ho saan ba manggagaling… Saan ba nakapuwesto ‘yung artillery ninyo? Ano ba ang maximum distance niyan? Hindi ka pwedeng dumaan doon sa kung saan tatakbo ‘yung artillery round, kailangan sa gilid. Saan ba dapat babagsak ‘yan? Anong oras ba dapat mong ipadala ‘yan? ‘Yung minuto ho importante e. ‘Nung dumating ho, sabi ng AFP, may parteng hindi maibigay ‘yung eksaktong puwesto. So ngayon, ‘yung kausap mo nandito siya, ‘nung dumating ‘yung bala nandoon siya, e doon mo ipinadala ‘yung artillery rounds, hindi ho pwede, kaya kailangan may coordination na maganda—patung-patong ho ‘yan hanggang, ‘yon na nga ho, nabilad. Medyo ‘yun ‘yong ikinasasama ko ng loob e. Hindi dapat mangyari ito: [kung] sumunod ka na lang sa utos, iba na sana ang nangyari. At the very least, mababawasan ‘yung casualty natin. Sana hindi mo na rin plinano na lulusob diyan stealthily, kuno-kuno, na wala naman palang pagkukublihan. Sana hindi mo na dineploy ng 5:30 ng umaga na wala nang silbi ‘yung night vision mo.
Ang mga deboto po nating kapatid na Muslim, ‘yung mga iba ho nagdadasal alas-quatro ng umaga. So ‘pag dumating ka ng alas-singko y medya medyo gising na gising na, at ‘yun ‘yong iniiwasan mo na makakita sa’yo para nga hindi ka mapintakasi, pero alam niya ‘yon e. Dumating ng 5:30, pinabayaan pa rin. Ngayon, ano ba ang alam ko doon? So marami hong operation; na-abort for one reason or another, tapos ito sinabi sa akin from January 23 to 26. Tapos bigla na lang January 25, umaga, ito na ‘yung tinetext. Sana, sana nasabihan ako: ‘sir, napaligiran na ‘yung tropa natin dito, medyo mabagal ang kilos ng AFP’—parang ganoon—iba ang usapan. Pero ang sinabi, pag-alis ko, bago ako umalis ng bahay papunta ng airport: ‘nililigtas na lahat at tumutulong na lahat ng dapat tumulong.’ Hindi pala totoo ‘yon. Ang totoo lang ho kasi, ‘yung armor support umalis ng kampo…’ ‘Di ba, ‘yung text ho 7:30, mga 8:20 nakaalis ‘nung kampo. Anim na V-150 at isang platoon dahil inipon lahat ‘yon muna. Hinanap ‘yung tatao diyan tapos pinatakbo ‘yung anong mayroon sila—‘yon po ‘yung quick reaction force. Tapos ‘nung nagkatanungan, saan ba exactly ‘yung pupuntahan namin? Ayun, naglabas ng Google map, banda rito. Talagang may lack of professionalism.
‘Yon na ang point, kasama siya sa mananagot. Siyempre, may mga tumutuligsa sa atin dito. Inutusan daw siya, isinasalba ko ang sarili ko, ganoon—aba, hindi ah. Kung ako ang may kasalanan dito, bakit hindi ko aakuin lahat? Pero ‘pag nakita ho ninyo ‘yung pagpaplano nito, napakahusay ho ‘nung Power Point presentation. Sa—‘pag binansagan po kalsada sabi nila, ‘ang ganda ng plano kaya lang drowing pala ito.’ Alam ninyo, may isang pahina pa ho doon nilagay kung sino ang contact na liaison sa presentation. ‘Pag kailangan mo ‘yung mechanized brigade, ito; ‘pag kailangan mo ‘yan, ito—anong unit niya, et cetera. Sabi ng mga operator ngayon, para bang doon tinanong, ‘paano ho kami magko-coordinate? Sagot raw ni Napeñas, ‘ako na ang bahala.’ Importante ho ‘yung ground commander, ‘yung talagang nandoon, ‘yung operating: ‘Sir, nandito na kami at this time sa puwestong ganito. Ang kalaban ay nasa ganitong direksyon. Ang dami nila ay ganyan. Kailangan namin ng artillery support sa ganitong grid.’ Ang makakaalam ‘non ‘yung nandoon. Hindi ‘yung ibabato niya kay Director Napeñas, si Napeñas ibabato sa AFP; AFP magtatanong, balik kay Napeñas; si Napeñas balik dito sa tropa. E kung naghahabulan kayo, baka by the time natapos lahat ‘yon, tapos na ‘yung bakbakan—‘di ho ba? So ‘pag tinanong niyo ako kung bakit nag-isip ng ganito, ewan ko ho. Mayroon akong mga duda, anong motivating factor niya, pero maliwanag na maliwanag ho na mali. ‘Yung sabi ko sa kanya, ‘baka mapintakasi tayo rito. Hindi pwede ‘yung 160 mo bahala na doon sa katapat na 3,000 to 4,000. Kailangan nating maniguradong may backup at ‘yung backup ‘yung AFP. Nandiyan ang tangke, eroplano, sundalo, artillery. Itinago sa kanila. Tapos sinubukan pa sigurong, ‘di ba, parang remedyuhin—‘kaya ko pa ito.’ E lahat ng pagreremedyong ‘yon, bumawas nang bumawas ‘yung oras para matulungan natin in a timely manner ‘yung ating mga ipinadala doon.
‘Nung tinanong po ako ng mga pamilya, sabi sa akin, ipinadala po ninyo doon at tila napabayaan. Bakit ho ganoon ang nangyari? At sa totoo lang ho, para sa akin, the truth is I was given the wrong information by the people who knew most what was happening, and unfortunately, the others who did not know anything could not give me any further information rather than very raw information. ‘Yung kailangan mayroon silang tinatawag na ‘situational awareness’ e. ‘Yung ground commander has to know, has to be close enough to the battle scene to ba able to see all of his operating units. But he shouldn’t be too close to the battle scene that he can only see one component of all the units. Si Napeñas po was 15 kilometers away. So ‘yung, ‘di ba, parang in a chessboard ina-arrange lahat ‘nung pieces. Hindi ko alam at some point kung saan niya nabitawan ‘yung situational awareness tapos diretso nang nataranta. Ang problema ‘yung nataranta, to a large degree, siya lang ang may alam ‘nung maraming detalye na kakailangin ‘nung aalalay.
Now, having said that, the mission itself is inherently risky. ‘Yung target ho IED (improvised explosive device) ang ginagawa e, booby traps. You can expect na mayroon silang force multiplier na ‘pag lulusubin mo ito, mayroon itong mga traps. Mayroong mga other plans po na—and let me just share that with you—sorry ang haba ng sagot ko. ‘Yung isa ho sa operations kasi was supposed to be waterborne. Tapos tamang-tama, gagamitin si seaborne, so may capabilities to operate watercraft. Marshy area po—may mga rivers, may swamps, et cetera—so ‘yung boats would have given them an opportunity to enter stealthily and approach the target from just about 200 meters away instead of walking four kilometers. Siyempre, mas konti ‘yung makaka-detect sa inyo sa 200 meters, kaysa sa 4,000 meters. So ‘nung last briefing nga ho, ‘nung January 9, bigla na lang naging land march. Ano nang nangyari doon sa pinaplano ninyong waterborne? Ang sagot sa akin ‘yung tubig daw ho bumaba na. Hindi na raw kayang i-support ‘yung waterborne operation. After the incident, out of curiosity tinanong ko po ang DOST (Department of Science and Technology), and through them tinanong ang PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), ang sagot po sa akin water levels in December and in January were practically the same. Napapag-isip ako ngayon: ‘Drowing din ba ‘yung hindi na kaya ‘yung tubig?’ Can I just add: When they actually launched this previously at nag-abort, why was it aborted? ‘Nung sumakay na sa kanilang mga boats at nag-proceed na doon sa target area, three out of five—if I remember correctly—were taking in water. Lumulubog po itong mga boats, so in-abort, balik sa pinagdaungan. Doon ko ho unang nakilala si Napeñas e. Sabi ko, seaborne, ikaw ang commander, bakit naman hindi pa ninyo matantiya ‘yung kakayahan ng boat versus ‘yung ilalagay doon sa boat? Medyo, sabi sa akin, ‘sir, ‘nung tao, equipment lang, okay;’ ‘nung nilagay ‘yung armor—‘yung body vests, helmets, et cetera—sumobra na raw. Sabi ko parang dapat yata nakikita ‘yon sa practice pa lang e. Kaya ‘nung January 9 nagtanong ako, kako, may night vision. Sanay ba ‘yung mga tao mong gumamit? ‘Sir, halos ara-araw nagpapraktis sila’—ganoon.
Ngayon, siguro ‘yung pinaka-generous way of looking at it, maraming wishful thinking si Napeñas as opposed to reality. Pero maliwanag sa akin, binola niya ako. Ngayon, ano ho ang responsibilidad ko at this point in time? May kasabihan ho e: ‘Fool me once, shame on you; fool me twice, shame on me.’ At wala akong balak na ma-‘fool me twice,’ kaya ho humanda ho lahat ng… Tinawag ko hong liderato ng PNP, sabi ko, ‘alam niyo ‘pag may utos tapos nag-deviate kayo, siguraduhin ninyo mayroong justification for the deviation—nagbago ‘yung facts on the ground, for instance—dahil ‘pag hindi ninyo na-justify, one degree ng deviation na wala nang benefit of the doubt, insubordination kaagad ‘yan and you will be out and you will be parang filed the appropriate charges. Now, the task before us, siyempre (is) to take care of the families that were left behind and reconstitute the SAF to rebuild its esprit de corps, its morale, especially and given the fact that next year, the police will play a very vital role in ensuring that we have safe, orderly, and peaceful elections. So they have to be ready before that period comes in. I hope that gives you a bird’s eye view of what transpired. Thank you po.
On the Bangsamoro Basic Law
Pastor de Guzman: Maraming, maraming salamat po, Mr. President. Ang susunod po ang chairman ng ministerial fellowship of Pateros si Pastor Rolly Antonio.
Pastor Rolly Antonio: Magandang hapon po, mahal na Pangulo. Ang katanungan po ay sapagkat marami pong agam-agam at iba’t ibang mensahe tungkol po sa Bangsamoro Basic Law, mahal na Pangulo, maaari po bang bigyan niyo po kami ng kaliwanagan tungkol po sa usaping ito upang lalo po naming maipanalangin ang bagay na ito at kayo din po ay aming ipanalangin na lalong pagyamanin ng Diyos ang banal na pagkatakot sa inyong puso sapagkat naniniwala po kami the fear of the Lord is the beginning of wisdom and knowledge and understanding. Kaya po kayo ay mapakingggan po naming ang kaliwanagan tungkol sa bagay na ito?
Aquino: Ito po kasi ‘yung House Bill 4994 or the Bangsamoro Basic Law. Mahirap naman hong talakayin sa inyo point by point, ano.
Noong ka-meeting ko po sila Bro. Eddie and the rest, kasama rin po kayo doon, tinatanong, for instance, freedom of religion. Magkakaroon ba kami ng freedom of religion? Can we set up our worship houses et cetera. Iyong sa Section 1 of Article 9 of this basic law reiterates the provision of Article 3 of the Constitution with regards to freedom of religion.
Dito po ang nakalagay Section 1 Basic Rights in the Bangsamoro Subsection B it states Right to Freedom and Expression of Religion and Beliefs, guaranteed in the Bangsamoro Basic Law, which actually has to adhere also to the Constitution.
Iyong Constitution is even more explicit. [Jun, maraming salamat sa iyo, bago ko pa hinanap nandiyan na] Section 5, Article 3 the Bill of Rights states: “No law shall be made respecting an establishment of religion or prohibiting the free exercise thereof. The free exercise and enjoyment of religious profession and worship without discrimination or preference shall forever be allowed. No religious test shall be required for the exercise of civil and political rights.”
Any law created by Congress has to adhere to the Constitution. Pero instead of being silent and just saying that the Constitution already covers that, ‘yung proposed law that will govern the Bangsamoro has that provision. So what is embodied here? What is the agreement? What is the change? And that I hope to explain. [Pasensiya na ho kayo medyo…Isipin na lang ho natin galing tayong beach]
Ano bang sitwasyon sa Mindanao? And I hope hindi magagalit sa atin ‘yung ating ibang mga kapatid. Pero ‘yung truism doon, merong mga namumuno sa gobyerno na ang obligasyon nila sa kanilang pananaw ay sa pamilya so iyong clan. Lalampas doon ‘yung tribe at para nakakalimutan ‘yung everybody who doesn’t belong to the clan or to the tribe.
So tingnan po niyo ‘yung nangyayari noong namumuno si Ampatuan. Sa dami ng kincreate na munisipyo sa Maguindanao, kapag nag-away ‘yung mga anak gawa tayo ng panibagong munisipyo. Now, meron kang warlord, si warlord mangangako sa Malakanyang, meron kang command votes, siyempre ‘yung population mo ‘non times six sa national average ang increase e, alam na natin kung bakit., times six sila.
Iyong lupa po doon nanganganak rin plus three million hectares and ni-report sa akin ng DENR, okay. Siguro maghanap kayo ng statistics na nakakagimbal lahat ay nasa ARMM e. Malnutrition, illiteracy, ‘yung maternal mortality, infant mortality. Kapag naghanap kayo ng pangit na statistics nandoon.
Now, so merong isa iyong ang structure. Isang hepe sa kanya lahat ng poder, sa kanya lahat ng resources, maskit anong gusto niyang gawin tila pwede. Lalo na ‘yung hindi synchronize ‘yung elections nila. Meron tayong national elections, mid-term elections ‘yung sa kanila parating one year after. So habang tumatakbo ‘yung padrino nila, kami bahala sa command votes.
Kapag next year naman ‘o kami naman tatakbo’ e bahala ka nang walang makapalag sa amin dito para manatili, okay. Ang basic difference nito ‘nung ipino-propose at nanggaling sa kanila hindi po nanggaling sa atin, ano. Mag-shift tayo ng ministerial form of government. Basically, you have a parliament, ‘yung regional assembly becomes our parliament tapos ang ginawa nilang composition 40 percent direct election, 50 percent manggagaling sa party-list, ‘yung idea ‘nung party-list represents marginalized groups. Tapos 10 percent reserved for women and indigenous peoples. Ang may poder talaga ultimate analysis ‘yung parliament, ‘yung kanilang chief minister kailangang tumugon sa inuutos ng parliament imbes na siya nagdidikta sa lahat.
So, ang intindi natin dito imbes na asikasuhin ko ‘yung pamilya ko, asikasuhin ko ‘yung tribo ko, obligado ko asikasuhin lahat ng component ‘nung indigenous peoples e nandoon na ‘yung…Sorry, lahat ng kabilang ng Bangsamoro kaya ganun ang set up. So, isipin niyo, ano, normally ‘yung hepe nitong nakikipag-ugnayan tayo sasabihin paano ba ako sisikat lalo diyan? Iyon ang kapalit ng katahimikan.
Dito, kumbaga sikat na ako babawasan ko ‘yung poder ko dahil ito mukhang magiging landas lahat kami may kapayapaan. So inembody lahat ‘nung pinagkasunduan sa framework agreement at saka sa comprehensive agreement dito po sa Basic Law na tinatalakay ng Kongreso ngayon.
May nagsasabi ang dami naman nating ibinibigay sa kanila? Ako noong umpisa ho ang sabi ko ‘ ang dami nga naman yata nating ibinibigay sa kanila?’ Tatandaan lang po natin, ito kasi kaalinsunod lang ng mga nauna ng naibigay. At sila naman po kapag sinabi nila sa kanilang mga kasamahan, kailangan natin --- para maganda itong iminumungkahi, kailangan nating suportahan ito. Siyempre kailangan nating maipakita bakit mas maganda?
Ngayon kung ibabalik sila at babawasan ‘yung nakuha nila sa previous agreement, paano ho nila sasabihing mas maganda ito? Iyon ang practicality nito. Ngayon, may parte rin na dadagdagan natin ‘yung papunta sa kanila sa resources. Meron ho kaming sinasabi na ano e ‘yung dulo po kasi to catch up. Parang dadagdagan natin ‘yung papunta sa kanila dahil napag-iwanan na sila whether it’s infrastructure, whether it’s basic education, whether it’s the health services, para makasabay naman sila sa ating lahat.
Iyong opportunities that exist elsewhere in the country, meron din sila. Ngayon, kapag gumanda ng gumanda ang sitwasyon, sino pa ho ang magkakaroon ng kagustuhang mamundok? Sino pa ho ang maa-attract ng mga terorista? Iyon ho ang basic concept.
Now, ang danger sa atin ay habang --- ito na ho. Kapag naipasa ito, may plebisito, kailangan sumang-ayon ang nasasakupan dito sa magiging mga obligasyon nila dito sa bagong batas. Habang palapit tayo ng palapit doon, ‘yung mga kalaban naman dito na gustong magpanatili ng karahasan doon gagawa ng gagawa ng mas marahas na bagay para mawala ‘yung pagtitiwala natin sa isa’t isa.
?Tandaan ninyo nag-umpisa itong negosasyon na ito ‘yung magkalaban sa bakbakan nagharap sa negotiating table, so hindi ho natin masasabi kaagad na --- kunyari ho gaano katagal ang bakbakan diyan, 1960’s pa ho yata, late 60’s, hanggang sa kasalukuyan meron pa rin. Lahat ‘nung karahasan sa magkabilang panig hindi ho mage-engender ng trust. E dumating ho tayo sap unto, may leadership ang MILF na moderate. May mga bansa ho na todo buhos ang pagtulong sa atin dito na nakikita nila ang katahimikan natin sa Mindanao, kapaki-pakinabang sa kanila. Noong araw ho may nag-iisip na ‘magulo ‘yung Mindanao okay sila’.
Tapos nandito ho tayo na hindi ko --- ni minsan inasam na magkaroon ng command votes, hindi ako tinutukso ng command votes. Talagang sumasandal ho ako sa taumbayan at sila ang bahala sa akin. So lahat itong factors na ito, nagsama-sama, ang ganda ng pagkakataon natin ngayon na baguhin
‘yung istruktura diyan, baguhin natin ‘yung nangyayari sa ARMM. Gawin natin na talagang mas maliwanag na landas kung saan makakahabol at makakapantay natin, magkaroon sila ng pareho nating mga karapatan na magbibigay ng katahimikan na lahat tayo makikinabang.
Pero ulitin ko lang ho, habang palapit ng palapit ‘yung katahimikang ating inaasam, pagiging desperado ng kalaban na --- ‘di ba gagawa ng lalong mas karahasan para lang mawala ‘yung tiwala sa isa’t isa, abanduna natin ‘yung proseso ng pag-uusap e ano ang matitira doon? ‘e di bakbakan na naman.
Ngayon, kapag nagkabakbakan ba sasabihin natin tulad lang ng dati? Aba hindi ho ano, mas marami na rin hong tao diyan, mas marami na rin nawalan ng pag-asa dito, pinaasa tapos hindi nangyari. Hindi ho ba?
Parang ‘yung mga moderate na nasa MILF baka palitan ng radikal. Tapos maghihintay tayo ng pagkakataon na mahinahon na namang mag-uusap lahat. Meron ho ba sa atin makakasabi dito, ‘hindi, hindi matuloy dito, next year pwede ‘yan’ or two years from now. Wala hong makakagarantiya doon. May pagkakataon ho tayo dito, binigyan tayo ng Diyos ng pagkakataon, pero may obligasyon tayo.
Iyong pagkakataon e tulungan naman nating maging katotohanan. Ngayon, dumating nga ‘yung punto, tinatanong ako ng mga pamilya sa SAF ‘e paano ho itong BBL?’ Aba kako ‘ano ho ba ang kapalit?’
Iyong asawa niyo, kapatid niyo nagpunta doon hindi para maghasik ng karahasan e. Pumunta doon para tugisin ‘yung gumagawa ng karahasan, tapos ang sukli natin sa sakripisyo nila, lalong lumala ‘yung karahasan. Paano naman natin binigyan ng tamang papuri itong mga namatay??
Ngayon ho, marami hong nagrereklamo dito hindi pa nabasa. Kung nabasa man para bang baka ginanon. Sana ano kapag sinabi nating ayokong suportahan ito dahil meron akong mas magandang mungkahi. Bakit hindi natin tingnan baka mas maganda nga ‘yung sa kanila. Pero ‘yung magsasalita na hindi at walang ipapalit, iyon ho garantisado, wala hong pakay na maayos ‘yon.
Salamat po.
On daang matuwid
Pastor Rico Ricafort (Senior Pastor of Victory Ortigas): Good afternoon, Mr. President. Aside from the prayers of the Body of Christ and PJM and of Coalition of Christian Churches, what else can we do to help the government fulfill “daan na matuwid”?
PRESIDENT AQUINO: Well, you can tackle the issues of the day amongst your congregations when there is an opportunity to do so. You will be surprised we are accused of having such a big propaganda machinery. But in essence, you have to compete whether it’s traditional media, whether it’s the new media, alternative media or the teleseryes for that matter to get their attention.
There is an important topic, it affects everybody. ‘Yung I’m a firm believer in the church that I belong to, they talk about conditions emanating in this world that impact the soul. So, ‘di ba, if there’s more intelligent discourse not borne out of emotionalism but rather out of thinking, which will be borne out by all of the discussions that is a tremendous help to us.
You can help us also with the information drive towards the rest of the citizenry and perhaps also information to us. You see katiwalian happening. We cannot be everywhere 24/7. We cannot know what lies in the hearts of men or what it is in their minds also for that matter. So information helps us to govern better, to be able find out the ills of society quicker, affords the solution quicker.
I guess what I’m trying to say is, the more involved the citizenry is, the faster we will get to where we want to go. Siguro the reverse, and I don’t think any of you belong to that, ‘di ho ba parang may image rin tayo kay Juan Tamad? Sabihin niyo kung iba ‘yung image niyo sa akin. Nasa papag siya, naghihintay doon sa bunga ng bayabas bumagsak sa bibig niya. Di ba, ganoon tayo tinuruan kay Juan Tamad? Sa totoo lang ho ang tagal kong iniisip e, ‘Hindi kaya pagbagsak nitong bayabas na ito bulok na?’ So paano naging pakipakinabang sa kanya na maghintay na bumagsak ‘yung puwede naman niyang pitasin sa tamang oras.
So pagbalik ho dito sa peace, I think this is really an opportune time. This is really a significant opportunity for all to enjoy the benefits of peace and really to fulfill our role as our brothers’ keepers. But if we let all the noisy ones who have vested interests dominate the airwaves then perhaps, the logic, the reasonableness of the position we’re espousing and the truthfulness gets drown out by all the noise.
So here I’m talking to you, trying to impart to you those bits of wisdom that I think I should be sharing also. I would like to talk to all the 100 million Filipinos here and abroad and explain it to all to them. I will talk to the media both traditional and alternative; I will use every fora that I have to be able to espouse the views that I think will do better for the country.
But at the end of the day, siguro when we were campaigning as a congressman, meron kang makikita sa bahay nila sa house-to-house. Meron namang interesadong magpunta ng rally. Merong nakikinig ng radyo. Kapag natapos mo na lahat ng paraan, meron pa ring significant portion hindi nagpupunta ng rally, hindi mo maaabutan sa bahay, hindi nakikinig ng radyo, hindi nanonood ng cable TV na kabahagi rin doon sa solusyon, na kung malaman nila ‘yung katotohanan baka naman makadamay.
So ‘yon ang biggest thing I think really. Information for both ways parang a more intelligent discussion of the issues of the day. I think you all uniquely situated to be able to help us there. Thank you.
On Aquino's love life
Elder Oscar Manansala (National Elder of Alliance of Bible Churches of the Philippines): Good afternoon po, Ginoong Pangulo. Ito po ang katanungan ng marami, hindi lamang dito, maski sa mga sambahayan ho namin, sa mga churches namin. How do you like us to pray for your love life?
Aquino: Parang nabulungan ako baka doon mapunta ‘yung huling tanong. Hindi kanina ho natanong nga ako, sabi ko, baka dapat ‘yung pagdulog natin sa Poong Maykapal, doon na lang ho tayo sa mas attainable goals.
Doon na lang ho ako sa in God’s time. Sana ho bago maubos ‘yung time ko dito. One day, in the Cabinet ho kasi, that was the topic, one of my secretaries asked me: “How’s your love life?” As you know it used to be regular then it became light and now—parang a few years ago, it became zero, and now it’s below zero.
But I only have a year and three months left, so baka after that naman ho a year and three months and one day, baka magbago na ho ‘yung kulay and if that happens…
Si Bro. Joel nga ho damang-dama ko ‘yung pinagdadasal niya ako every other day. Kung minsan ho sabi niya, “Maski dama ko kung minsan na parang mission impossible ito, with God’s help nothing is impossible.” Gawin mo na siguro everyday, Joel. Thank you. Salamat po.
On a National Day of Prayer
Diosdado Joven (Member of Church of God International): Good afternoon, Mr. President. First of all, we thank God knowing that you are one with us in believing the power of prayer. Now having said that, will it be possible for you to issue a presidential decree or endorse to Congress a bill, which would be passed into law declaring a day in a year as a National Day of Prayer?
Aquino: I think that’s possible and there have been various proclamations by the President kaya lang every year ho kailangang gawin ‘yon as opposed to gawing permanente.
I’m not a lawyer, I just have to pass it through the lawyers to make sure ‘yung separation of Church and State, ‘yung no recognition of a state, religion and all of that are adhered to.
Alam naman po niyo nitong mga araw na ito, ‘yung ‘pag nagkulang ‘yung comma, semi-colon, question mark na nailagay, period, o baka kung minsan mali ‘yung papel na ginamit, may issue ho kami parati.
Pero principally, ‘yung—in principle rather, we agree with that. There has to be the deepening of man’s existence in the world brought about by spirituality. So you can count our support. The Executive Secretary is present, who is a lawyer, who is presently now I think drafting in his mind exactly how it will adhere to all the constitutional provisions with regards to that. Thank you.
On religious freedom in the proposed BBL
Bro. Eddie Villanueva: Mr. President, puwede hong maupo ho muna kayo sandali dahil ‘yung tanong ko po ay medyo complex. Una, ‘yon hong huling nagtanong tungkol sa creation (of) presidential proclamation ng National Prayer Day. Sa Amerika, merong separation of Church and State and yet there is a National Prayer Day; ganoon din sa Canada. Lalo na sa Pilipinas na kinikilala ng preamble of the Philippine Constitution that the Filipino people, the sovereign people imploring the aid of the Almighty God.
No less than the Constitution of the Philippines acknowledges the validity of the faith of the Filipino people on the Almighty God. Kaya wala hong contradiction. Ito naman ho hindi ko pinangungunahan ang inyong mga legal advisers—wala hong contradiction na mag-create ng tinatawag na National Prayer Day sa ating kasaysayan.
Sapagkat sabi po ng Diyos sa John Chapter 15 verse 5, “Apart from me you can do nothing.” At sinabi sa James, Chapter 4, “You do not receive because you do not pray.” Kaya po higit sa lahat ang sabi ho ng Bible sa Psalm 127 Verse 1, “Unless the Lord builds the house or a city or a nation, the builders labor in vain.” Moreover, ang lahat ho ng gobyerno, lahat ng bansa, nilalang ng Diyos kaya ho hindi dapat i-kick out ang Diyos sa pamahalaan.
At gusto ko rin pong idagdag for the education of an entire Filipino people na hindi ho nabasa ito sa history: Ang separation of Church and State ho nagsimula when one of the founding fathers of United States of Amerika Thomas Jefferson wrote a very historic letter to the congregation of the Baptist Church of America, assuring them don’t be afraid, the state will never interfere in the ecclesiastical affairs of the Church.
There is a proper protection of the Church from the possible interference of the government. In other words, originally, the separation of Church and state was borne to protect the interest of the Church from the possible abuses of the state.
Medyo nabaliktad ho after many, many years. So ‘yon po ay comment lang po at alam ko po magkakaroon ng National Day of Prayer. Ang tanong ko po ay—sususugan ko po ‘yung tanong tungkol sa religious freedom. Ito pong religious freedom ang pinakamahalaga sa lahat ng mga naniniwala at nagmamahal sa Diyos kaya po naitanong na po ito at sinagot ng ating Pangulo, clearly there is a provision for religious freedom and freedom of worship sa Bangsamoro Basic Law as provided by the Constitution.
Ang tanong po ngayon ng karamihan na ipinadala sa akin, Mr. President, puwede po ba na lagyan ng ngipin ‘yung probisyon ng religious freedom and freedom of worship, lagyan po ng ngipin. What do I mean? Nabanggit niyo po ito kay Speaker Sonny Belmonte noon hong few weeks ago, isinama kami ni Bro. Ramon Orosa, at sabi niya puwedeng idagdag sa amendment ng religious freedom ‘yang sinasabi niyo na ‘yan.
Ito po ay tungkol sa giving flesh and substance sa religious freedom and freedom of worship. Parang ito hong nag-i-exist lang sa piece of paper. Bakit ko po ito nasabi? Ito pong mosque sa Quaipo, panahon ng Marcos time, was built by subsidies from the government, ang mosque sa Quaipo. At ngayon ho maraming mga religious edifices all over the Philippines, partly through the contribution of government’s subsidies. Pero sa Middle East, maraming Pilipino nahulihan lang sa bible study, nahulihan lang na may hawak ng bible, nakakulong.
Hanggang ngayon po kasi po kami po ay lumilibot sa Middle East countries at may mga Pilipinong nakakulong sa iba’t ibang kulungan sa Middle East countries dahil nahulihan ng bible o kaya nahulihang nagba-bible study.
This is a big contradiction sa ating bansa na ang mga kapatid nating Muslim ay tinatayuan ng mosque, subsidized pa partly ng gobyerno, at the same time, the Muslim brothers can preach Islam faith in all parts of the Philippines without any prosecution, without any suppression, katulad ni Robin Padilla from Catholicism naging Muslim, wala hong prosecution, wala hong suppression. Pero kapag ang isang Muslim ay naging Kristiyano, pinuputulan ng ulo o kaya sinu-suppress.
Puwede po ba kayang ilagay doon sa tinatawag nating religious freedom sa BBL na lagyan ng flesh and substance, specifically the proponents of Islam faith can freely, freely preach their faith in all parts of the Philippines and at the same time, give the Christians and other religious beliefs the corresponding freedom in preaching the gospel of love and salvation of Jesus in the Muslim localities or communities para ho fair at saka just ang freedom.
Iyon po ang tanong na gusto ko pong itanong bagamat naitanong namin ito kay Speaker Belmonte at sabi sa atin ay puwedeng ihabol doon sa working committee ng lower house e, baka naman ho iba ho ‘yung manggagaling mismo sa head of the state na baka po puwedeng, siguro through Secretary Deles or Secretary Miriam Ferrer ay maidagdag po ‘yung flesh and substance sa provision ng religious freedom nang sa ganoon ang religious freedom ay hindi lang nag-i-exist sa piece of paper. This will benefit the next generations until the second coming of Jesus.
Aquino: May kumpiyansa akong sabihin na hindi mahirap gawin ‘yung mungkahi niyo pero siyempre—may nagsabi ho ‘the devil is in the details.’ Ano ho ba will constitute the flesh? And perhaps I can ask you for the appropriate language so that we can inquire of them and press them.
‘Yung my confidence arises from the fact na ‘yung as far— they may get a point, even in the preamble, their preamble, mahaba ‘yung diskusyon ‘yung who constitutes the Bangsamoro people and it is not centered only on people of Muslim faith.
As presently worded, it says here: Bangsamoro people—those who at the time of conquest and colonization were considered natives or original inhabitants of Mindanao and the Sulu archipelago and its adjacent islands including Palawan, and their descendants whether of mixed or of full blood shall have the right to identify themselves as Bangsamoro by ascription or self-ascription. Spouses and their dependents are classified as Bangsamoro.
It says in Section 2 of Article 2, “freedom of choice of other indigenous peoples shall be respected.” Pero bottom line ho pati sa conflict resolution sa dispute resolution, they also recognize—hindi mo mahanap kaagad ‘yung provision but meron ‘yung --- they recognize alternative dispute resolution mechanisms existing amongst the various indigenous peoples.
So pati ho doon sa demandahan hindi lang ‘yung set up ‘nung Sharia at saka ‘yung ating regular courts pero pati na ‘yung tribal customs nila on how to resolve disputes. They recognize differences amongst people and that they will continue this practice.
So fundamental doon ho siguro is also the exercise of free expression of religion. I’m very confident that they will agree to put in the teeth, or the flesh and the substance. Now can I tell you right at this time exactly how it will be worded, medyo I’m promising too much naman ho yata.
We will submit drafts, we will suggest and I’m sure we will arrive at a compromise in due time. They are projecting approval by June. I’m hoping ‘yung Congress approves the Bangsamoro Basic Law way before June to give the Transition Authority, papalit ng gobyerno, enough time naman to demonstrate the merit of their belief that this is a better mode of governance than what is existing. Thank you po.
More Videos
Most Popular