Gabriela's allegation of rape threats vs. Marawi women 'highly suspicious' —AFP spox
The Armed Forces of the Philippines (AFP) on Tuesday said allegation of the Gabriela Women's party-list that government troops threatened Marawi women with rape is unless they agreed to be evacuated were "highly suspicious," noting that the party should have verified the matter with them first before issuing the statement.
"Medyo highly suspicious ang ginawa ng mga grupong ito dahil karamihan ng mga ginagawa nila na imbes idulong nila sa ating Armed Forces, inuna pa nilang ilagay at ipahayag ito sa isang press conference. Napaka-inam naman po kung sana eh kinonsulta at binanggit muna nila sa amin ito para nakapagkomento kami at makita namin kung sino man ang maaaring gumawa nito," AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla said in an interview on Unang Balita.
"By the way, it was conveyed to the public. Itong ginawa nila ay isang bagay na paninira eh. Hindi pa man nila nakukuha 'yung mga pruweba, hindi man po nila kami kinonsulta para mahanap natin itong mga indibidwal na 'to, tuloy-tuloy na nilang inilabas ito at very suspicious po," Padilla added.
Padilla pointed out that groups like Gabriela would take advantage of anything just to taint the AFP's image.
"Sa amin pong panig, very suspicious ang kanilang ginawa dahil kilala naman 'tong mga grupong ito na 'pag may pagkakataon ay susubukan nilang sirain ang imahe ng Armed Forces lalo na ngayon na nandiyan po tayo sa Marawi at katanggap-tanggap po ang ating ginagawa dahil sa mga...madami ng buhay na naibuwis para maisalba itong Marawi City," he said.
Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas earlier said government troops had supposedly threatened women in Marawi with rape if they do not leave the city, noting that she personally heard the alarming tales of women during her visit in evacuation centers.
Padilla refuted the claims, however. He said they will investigate the matter once they are given sufficient evidence.
"Kung meron mang katibayan, ang aming sinasabi ay ibigay niyo muna sa amin, dokumentohan niyo, at kung may katibayan, bakit hindi? Agad agaran, magsasagawa tayo ng imbestigasyon at kung meron man talagang kailangan managot sa mga ginawa nila ay gagawin natin ang tamang pagtrato sa mga taong ito upang maging responsable sila sa ginagawa nila," he said.
At least five cases
Meanwhile, in a separate interview on GMA News' Unang Balita, Brosas reiterated this saying they have documented at least five cases on the matter, but victims were not able to get the names of the soldiers involved.
"So far, 'yung sa akin, 'yung nakuha ko sa dokumentasyon ng ano ay lima. Lima po ito na cases, na ngayon nga ay pinapa-check namin kasi siyempre sila ay nando'n pa," Brosas said.
"Apparently lang po, hindi nakuha 'yung mga pangalan ng mga sundalo. So wala po tayong account ng mga gano'n. Dokumentado po natin 'yung mga nanay, 'yung mga nagreklamo dahil kaya po kami nando'n dahil gusto namin makita sa ground zero kung ano talaga 'yung hitsura. Iba kasi 'pag nasa ano eh," she added.
Brosas also pointed out that such actions are a "tool of coercion," noting that the Maranao have a "very sensitive" culture.
"Threats of rape kasi 'yun ang sinabi sa atin. Very sensitive po kasi ang mga Maranao. Sa culture po nila, hindi po ganon kadali para sa kanila na mag-open ng napakasensitibong usapin ng rape," Brosas said.
"Actually, kaya alarming sa amin 'to, ito 'yung tinatawag namin na parang tool of coercion eh. 'Pag ang sinasabi sa kanila ay umalis kayo dito sa lugar, kung hindi kayo aalis o mag-e-evacuate, kayo ay 'yung isang ano—'sige, re-rape-in namin kayo' —gano'n 'yung exact words na sinabi," she added.
Brosas said such statements are unacceptable even these were said in jest.
"Parang kahit pa sabihin na ito'y pabiro, hindi po 'yun katanggap-tanggap. Kaya 'yung sinasabi po natin na nakuha nating accounts nila, eh 'yung mga kababaihan doon nangamba. Meron pa nga doong accounts na nagsasabi na pina-una na nilang lumikas 'yung mga dalaga sa kanilang mga bahay kahit ayaw pa nilang lumikas sa kanilang lugar, sa kanilang bahay dahil natakot sila para sa kanilang mga dalagang anak," she said.
She said that the AFP should remain gender-sensitive and assure that women and children are protected.
"Kaya po 'yung report, comprehensive po siya, isang bahagi po ng gender abuse 'yung usapin na 'yon. At maigi po na dapat makinig 'yung AFP at military natin kaugnay ng mga reports na ito sa baba. Kasi bakit po? Ito po 'yung magpapaalala sa atin na kailangan at necessary na talaga na maging gender-sensitive tayo, na-e-ensure natin sa ibaba na gawin 'yon, at talagang pangalagaan natin at protektahan natin ang mga kababaihan at bata," Brosas said.
Troops were trained
Padilla, for his part, said that government troops are trained on how to handle situations like the one in Marawi, especially in terms of dealing with cultural and gender sensitivity.
"Naniniwala kami na ang aming mga tauhan ay angkop na naihahanda para sa mga ganitong pagkakataon dahil sensitive kami sa mga cultural matters na nasa isang lugar. Kaya ang tropa namin bago ma-deploy, may orientation 'yan at hindi po namin sinasayang ang taun-taong five percent na kasama sa ating budget sa gender sensitivity issues na mga seminars natin. Isa pa, dumadaan sa isang masusing pag-aaral ang lahat ng ating tropa upang maging sensitibo sa human rights tsaka sa international humanitarian law kaya nga po mataas ang kalidad ng ating mga morale ascendancy ngayon dahil mainam po ang mga ginagawang training ng ating mga tropa."
No report
Meanwhile, Padilla questioned why the evacuees (bakwits) did not report the matter to the local government unit.
"At bakit sa kanila diretso? Anong pagkakataon ang nagkaroon doon sa baba? Bakit sa kanila mismo dumiretso at hindi sa mga awtoridad sa local government? E 'di nakarating po sana agad sa atin at agad-agaran nating nahanap itong mga kausap nila na sinasabi nilang nagbirong sundalo."
"Actually madaling mahanap ang pangalan ng mga tropang 'yan kung sila'y nagsasabi ng totoo. May mga nameplate po, may mga patches 'yan, makikita nila at hindi 'yan tinatakpan at tinatago. So kung talagang tunay at sinsero itong mga ginagawang ito, mabilis pong malalaman 'yan," he added. —Marlly Rome Bondoc/KG/KVD, GMA News