ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
BALIKAN

Ilan sa mga malulupit na linya ng cast ng ‘Ika-6 Na Utos’


Hindi maitatanggi ng cast ng hit GMA afternoon series na "Ika-6 Na Utos" na nalulungkot sila sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang palabas.

Kaya naman binalikan nina Sunshine Dizon, Ryza Cenon, at Gabby Concepcion ang ilan sa mga binitiwan nilang linya na talaga namang tumatak sa mga manonood.

Sa GMA News "Unang Balita" nitong Martes, inihayag ng cast ang kanilang mga natutunan sa paggawa ng serye.

"Maraming facets ng pagiging isang babae na pinagsama-sama. Tinuruan tayo ni Emma na ipaglaban kung ano ang para sa atin," sabi ni Sunshine.

"Lahat ng away ni Emma tsaka ni Georgia, merong pinakamaganda para sa akin," ayon naman kay Gabby.

Itinuturing daw ni Ryza na "big break" niya ang pagiging isang "Georgia."

"I think this is my break, break ko 'to sa how many years? 12? 12 years sa showbiz. Kahit saan ka magpunta kilala si Georgia," sabi ni Ryza.

Hindi pa rin pahuhuli si Angelika Dela Cruz sa pagtatapos ng serye.

"Makikitaan niyo ng malaking pagbabago 'yung character ni Geneva. May twist 'yung character ko dito sa pagtatapos eh," ani Angelika.

Hindi naman makakalimutan ang bangayang Emma at Georgia at iba pang maiinit na eksena, na nag-trend sa social media, lalo na ang eksenang may kasamang stroller at toy gun. — Jamil Santos/MDM, GMA News