ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ka Leody on EDSA 1986: 'Elitist democracy' returned after Marcos ousted


The EDSA Revolution in 1986 ousted then President Ferdinand Marcos but fell short of instituting the reforms the people sought, labor leader and presidential aspirant Leody De Guzman said on Friday.

In a statement on occasion of the 36th anniversary of EDSA, the candidate of the Partido ng Masa said the "elitist democracy" in place before Marcos' Martial Law returned after 1986.

"Ang EDSA, para sa akin noon—gaya ng maraming lumahok at nakasaksi sa pagkakapit-bisig ng mamamayang handang ilaan ang sariling buhay—ay pagkakaisa para patalsikin ang diktadura," De Guzman said.

"Looking back, nakikita kong kinapos ang naunang EDSA. Ang nanumbalik ay ang elitistang demokrasya na naghahari sa bansa bago ang Martial Law," he added. 

"Mula kay Cory Aquino hanggang kay Duterte, tila nabalewala ang isinakripisyo ng aming henerasyon. Nanatili ang kronyismo, kagutuman, pagkakabaon sa utang panlabas, kawalan ng hustisyang panlipunan at serbisyo publiko, pang-aapi sa mga manggagawa't magsasaka, at iba pa," he added.

De Guzman said the wealthy turned their coats on Marcos and took over after EDSA.

"Ang masa ay nasa kalsada para patalsikin ang diktadura. Ang mga elitista, kasama ang mga bumalimbing na dating tagapag-utos ng Batas Militar, ay bihis-bihis para humalili sa poder at palitan ang ibinabagsak na rehimen," De Guzman said.

De Guzman said his leadership would complete the shortcomings of EDSA.

"Ang klase ng pamumuno na kinakatawan ni Ka Leody ay pagkukumpleto sa mga kakulangan ng EDSA. Kinapos ang pag-aalsang EDSA sapagkat naagaw ng mga elitista ang manibela kaya huminto ang pag-aalsang masa sa simpleng pagpapatalsik sa diktadura," De Guzman said.

"Ang kinakatawan ko bilang kandidato ay ang pamumuno ng masa para kamtin nila ang minimithing tunay at ganap na pagbabago para sa nakararami sa lipunan. Ito ang mas malalim na kahulugan ng aking panawagang 'Manggagawa Naman'," he added.

"Ang pagsasakongkreto ng islogang ito ay ang mulat at aktibong partisipasyon ng mamamayan sa pagugubyerno. Kapangyarihan mula sa ordinaryong masa, na siyang tunay na esensya ng demokrasya," De Guzman said. —Giselle Ombay/NB, GMA News