ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Postscript ni Jessica Soho: Miriam vs Enrile
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Great entertainment. Iyan ang sinabi ng isa sa mga senador sa nangyaring round 2 sa bakbakan sa Senado sa pagitan nina Senadora Miriam Defensor Santiago at Senador Juan Ponce Enrile. Sigurado ngang marami ang naaliw sa palitan ng maaanghang na salita ng dalawang senador.
Lumilipad ang mga soundbites na puwedeng pagpiyestahan ng mga taga-media. Pero ang taumbayan, meron nga bang mapapala sa ganitong mga bangayan?
Oo at hindi. Oo dahil kahit masasabing personalan ang tirada nila sa isa't isa, may mga seryosong isyung dapat tutukan bunsod ng mga privilege speech ng mga nag-aaway na senador. Seryoso ang mga alegasyon ng magkabilang panig lalu pa ang patungkol sa korupsyon o katiwalian.
Sa kabilang banda naman, walang mapapala kung pananatilihin lamang puro batuhan ng putik ang mga pangyayari at walang kaukulang aksyon o imbestigasyon.
Ang senado, nangunguna sa mga imbestigasyon ng mga katiwalian sa gobyerno. Nakakalungkot naman kung ang mga paratang sa mga senador, palalampasin lang at sasabihing "that's entertainment" o kahit pa "that's politics" lang.
Ang “Postscript” ay binabasa ng anchor na si Jessica Soho sa dulo ng mga “SONA” newscast sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular