ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Postscript ni Jessica Soho: Tungkulin
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hindi lang po ngayon may nasunog na imbakan ng bala at mga pampasabog ang ating mga awtoridad. Nangyari na rin ito sa Camp Crame taong 2004. Dalawang beses noong 2006 sa Fort Bonifacio rin at sa Marawi City at noon lamang nakaraang taon, sa Taytay, Rizal.
Tanong tuloy ng marami, bakit paulit-ulit itong nangyayari? Wala ba talagang magagawa para maiwasan ito at hindi na maulit pa?
Nakakapagtaka lang na nangyayari ang mga aksidenteng ito sa mga kampo pa mismo ng mga militar at pulis na siya pa namang nangangalaga dapat sa kaligtasan nating lahat.
At mga bala at pampasabog na dapat sana'y gamit nila para proteksyunan tayo at ang estado, puwede ring makapaminsala at magdala ng peligro sa publiko nang ganun-ganun na lang.
Totoo nga yata ang minsa'y sinasabi na sarili ang kalaban din natin, mismo.
Nakakalungkot na ang militar at pulis natin mismo nadadalas yatang maputukan ng sarili nilang mga bala at pampasabog.
Ang “Postscript” ay binabasa ng anchor na si Jessica Soho sa dulo ng mga “SONA” newscast sa GMA News TV. — GMA News
More Videos
Most Popular