PostScript ni Jessica Soho: Walang himala?
Kung Palasyo ang tatanungin, walang himala. Pero ang mga alagad ng sining, mistulang napalaglag sa upuan sa pagkaka-echepuwera kay Nora Aunor sa listahan ng mga bagong-hirang na national artist.
Si Ate Guy, nakamit ang sapat na dami ng boto mula sa mga hurado. Ang kanyang nominasyon sa larangan ng pelikula, dumaan sa mahabang proseso. At ang kanyang mga award sa prestihiyosong local at international film fests, halos hindi na mabilang.
Pero sa kabila ng lahat, hindi pa rin umubra si Nora Aunor sa panlasa ng pangulo. Ang tanong tuloy ng ilan: Ano kaya ang dahilan?
May mga ispekulasyon kung bakit. At hindi nakakatulong dahil walang ibinibigay na opisyal na dahilan ang pangulo. Kung may ibang namamayaning dahilan sa pagpili, huwag sanang ikinukubli sa likod ng tabing.
Ang “PostScript” ay binabasa ng anchor na si Jessica Soho sa dulo ng mga “SONA” newscast sa GMA News TV.