OPINION: Ask Atty. Gaby: Gulo sa liga
Mga Kapuso, ngayong summer vacation, usong-uso ang mga liga.
Pero cool lang po kayo para hindi mauwi sa ganito.
Sa Mangaldan, Pangasinan, nagkasigawan at nagsabunutan ang ilang kababaihan matapos umanong magkapikunan habang nanonood ng liga ng basketball.
Ayon sa punong barangay, nauwi sa kantiyawan ang noong una'y simpleng cheer sa isang basketball match sa liga.
Labindalawang babae kabilang ang apat na menor de edad ang sangkot sa sigawan at sabunutan.
'Yan ang ating pag-uusapan. Ask me, ask Atty. Gaby!
Atty., ano ba ang sinasabi ng batas sa ganitong mga gulo lalo at mga kabataan ang sangkot?
Sigawan at sabunutan – sana ay hindi maging bagong sport sa mga pa-liga kung summer vacation.
Krimen ba ito? Of course.
Ang mga pisikal na panghihimasok na 'yan ay krimen ng physical injuries sa ilalim ng Revised Penal Code.
Ang krimen naman na ito ay maaaring slight, less serious at serious physical injuries. Siyempre, mas grabe ang injury, mas mataas ang penalty.
'Yung sabunutan na nangyari, definitely ay krimen ng slight physical injuries at ang krimen na 'yan, may tatlong klase pa.
Kung 'yung pananakit ay nagresulta na hindi makapagtrabaho ang biktima o magawa ang usual activities or nangailangan ng medical attendance for 1-9 days, 'yan ang slight physical injuries na kaso.
Ang isa naman, slight physical injuries din na nasaktan ka, pero hindi ka naman naapektuhan at hindi nangailangan na magpatingin sa doctor.
Meron din 'yung nasaktan ka pero wala halos epekto. Ang tawag dito ay maltreatment o pagmamaltrato. Ang pananabunot ng buhok – malamang ay pagmamaltrato lamang.
Anong penalty kung pagmamaltrato o pananakit na hindi kailangan ng medical attendance? Arresto menor o kulong ng 1-30 days or puwedeng fine lamang ang penalty.
Kung apektado at hindi nakapagtrabaho ng 1-9 days, kulong ang penalty.
Kung may menor de edad na sangkot, dito papasok ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.
Ang mga menor de edad na kinse anyos at pababa ay walang criminal liability pero maaaring mapasailalim sa tinatawag na intervention program para mapayuhan ng maayos at maturuan ukol sa maling nagawa at para hindi na maulit muli.
Summer na at napakainit ng panahon. Huwag samahan ng init ng ulo.
Ang mga usaping batas, bibigyan nating linaw. Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang-isip. Ask me, ask Atty. Gaby!