ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

OPINION: Ask Atty. Gaby: Nanaksak dahil walang limos


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mga Kapuso! Dahil lang sa hindi pagbibigay ng limos, muntik pa malagay sa alanganin ang buhay! Grabe naman ang balitang 'yan!

Ganyan po ang nangyari sa Bacolod City nang ang isang Amerikano, saksakin ng isang lalaking nanghihingi ng limos.

Sa kuha ng CCTV, kita ang paglapit ng lalaking naka-sombrero sa biktima sa labas ng isang convenience store at may ibinulong siya sa dayuhan.

Maya-maya, bumunot siya ng kutsilyo at itinutok sa tagiliran ng Amerikano.

Tumakbo ang Amerikano papalayo pero hinabol siya ng lalaki. Hindi na nakunan ang mga sumunod na pangyayari pero doon na raw nasaksak ang Amerikano.

Ayon sa partner ng biktima, nanghingi ng sampung piso ang lalaki, pero hindi nabigyan dahil wala silang cash.

Ang insidenteng ‘yan ang ating pag-uusapan. Ask me! Ask Atty. Gaby!

Atty., hindi nawawala sa ating mga kalsada ang nanghihingi ng limos, pero hindi naman sana mauwi sa sakitan. Ano ba ang sinasabi ng batas sa pagbibigay ng limos at paano kung sinaktan ka pa dahil hindi ka nagbigay?

Well of course, hindi lang isa kundi dalawa na ang posibleng kaso ang kinakaharap ng lalaking nanghihingi ng limos. Nanghihingi na lamang, siya pa talaga ang galit?

Believe it or not, meron na talagang mga ibang nanghihingi ng limos or tulong na nagpapakita ng mga number na puwede na magpadala ng limos via e-wallet.

Of course, labag ito sa provision ng ating Anti-Mendicancy Law o ang PD 1563 – although ang pangunahing target ng batas na ito ay para maiwasan ang paggamit sa mga bata at mga senior citizen ng mga sindikato at maibigay ang tulong sa isang ligtas at maayos na paraan tulad ng mga social welfare programs ng DSWD o sa mga NGOs.

More importantly, maaaring maharap sa mas mabigat na kaso ang nanakit dahil sa pangyayaring ito. Ito ay isang kaso for physical injuries sa ilalim ng Revised Penal Code at depende sa grabe ng injury na natamo ng biktima, ito ay maaaring kaso for slight physical injuries lamang o less serious physical injuries at serious physical injuries.

Of course, ito ay assuming na nainis, o nagalit lamang siya sa biktima kaya niya sinaktan ito.

Iba ang kaso kung sa pag-iimbestiga ng mga pulis ay natuklasan nila na ang main intension ng akusado ay hindi lamang pala saktan ang biktima pero patayin ito sa sobrang galit. Sa ganitong kaso, hindi lamang physical injuries 'yan, pero attempted homicide o murder na ito.

Sa ilalim ng ating mga criminal law, intent is everything! But in any case, kailangan pa rin panagutan ang maling gawain.

Pero kailangan pa rin suriin kung ano ba ang tunay na dahilan. Baka naman may mental health problem na or addiction ang nanakit na kailangan resolbahin. Otherwise, baka maulit lamang ang pangyayari.

Ang mga usaping batas, bibigyan nating linaw. Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang-isip. Ask me, ask Atty. Gaby!