ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

OPINION: Ask Atty. Gaby: Bata, nahulog sa ilog!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ngayong maulan at may binabantayan tayong bagyo, doble ingat, mga Kapuso!

Sa Quezon City, nauwi sa disgrasya ang paglalaro ng isang bata.

‘Yan ang tagpo nang matagpuan ang labi ng pitong taong gulang na batang si Joeven Asuncion sa Dario River.

Nalunod ang bata matapos madulas at mahulog sa sirang bahagi ng riprap sa ilog habang inaabot ang nahulog na sinulid ng kanyang saranggola. Mataas pa man din ang tubig sa ilog dahil katatapos lang umulan.

Ayon sa mga taga-barangay, nasira ng bagyo noong nakaraang taon ang bahagi ng riprap ng ilog kung saan nahulog ang bata.

Ayon sa punong barangay, noong masira raw ito ay nag-request agad sila sa local government at sa MMDA.

Hindi naman daw nagkulang ang barangay sa pagpapaalala sa mga residente lalo na kapag tag-ulan.

Ang insidenteng 'yan, pag-usapan natin. Ask me! Ask Atty. Gaby!

Atty., ano po ang sinasabi ng batas sa insidenteng ito lalo na kung sa riprap na last year pa nasira siya naaksidente?

Unang-una, ang mga LGUs ang may obligasyon na mag-maintain ng mga kalye, tulay, drainage, sewerage, flood control, traffic signals, road signs and other similar facilities. Ito ay nakasaad sa Section 17 ng Local Government Code.

At kung may violation o pagpapabaya, nasa Local Government Code din na ang LGU at ang mga officials ay mananagot kung sakaling may namatay o nasaktan o may nasirang property.

Maaari siguro nating i-assume na ang riprap sa tabing-ilog ay nasa supervision ng LGU kaya't ito'y pinapaayos sa kanila ng barangay.

At nakasaad talaga sa ilalim din ng Article 2189 ng Civil Code na ang mga LGU ng probinsya, siyudad at mga municipality ay may liabilidad para sa danyos in case may mamatay o masaktan dahil sa defective na kondisyon ng mga kalye, tulay, public building at iba pang mga public works na nasa kanilang control and supervision.

So kung sa isang public place, tulad ng mga malapit sa ilog na walang harang or may harang nga tulad ng riprap at ito ay nasira at nag-complain na ang mga mamamayan na kailangan ito ayusin at wala pa ring ginawa ang LGU, masasabi natin na baka meron talagang basehan para panagutan nila ang mga nangyayari dahil dito.

Actually, ang classic example ng posibleng kapabayaan ng isang LGU ay 'yung mga naiiwan na open manhole na merong nahuhulog. Sa isang kaso, nasabi ng Korte Suprema na kasama ito sa requirement na mag-maintain nang maayos ang LGU.

Pero paano naman kung may kasalanan naman ang biktima? Sa ganitong pagkakataon, may dapat bang sisihin o may mananagot?

Depende sa mga circumstances, although sinabi na rin ng Korte Suprema na hindi depensa sa isang kaso for reckless imprudence na negligent o pabaya din ang biktima.

Kung talagang pabaya ang isang partido, kahit na may contributory negligence ang biktima, tuloy pa rin ang kaso para sa kapabayaan nito.

Sa ibang mga kaso, kung talagang sobrang pabaya ang isang biktima, at ang tinatawag na real and proximate cause ng death, injury or damage ay talagang dahil sa pagpapabaya o kasalanan nito, baka kailangang maabswelto 'yung isang partido. Halimbawa, 'yung mga biglang tumatawid – lalo na kung ito ay sa expressway o sa highway na may expectation ang mga driver na walang tatawid.

In any case, mahalaga ring tandaan na may responsibilidad ang mga magulang o guardian na bantayan ang kanilang mga anak. Kahit na matukoy natin kung sino ang may legal na pananagutan at kung sino ang dapat managot, hindi na rin maibabalik ang buhay ng ating mga mahal na anak.

As a general rule, actually, hindi mo basta-basta makakasuhan ang gobyerno para sa mga napipinsala sa mga government project nito.

So in any case, tayo po ay mag-ingat at ingatan din po ang ating mga anak lalo na nga sa panahon ngayon na tayo ay nagbabantay laban sa matinding bagyo.

Ang mga usaping batas, bibigyan nating linaw. Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang-isip.
Ask me! Ask Atty. Gaby!