ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

OPINION: Ask Atty. Gaby: Photocopy ng pera?!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mga Kapuso! 'Wag gagayahin!

Nagkalat online ang memes at posts ng netizens kung saan ang mga pera o banknotes, pina-photocopy!

Naging trend ito matapos mabanggit sa impeachment trial ni VP Sara ang usapin tungkol sa mga photocopy ng dokumento.

Dahil sa posts na ito, ang BSP, nagpaalala. Sa kanilang advisory, sinabi nila na ang pag-reproduce ng Philippine banknotes without prior BSP authorization ay pinagbabawal ng batas.

Ang issue na 'yan, ating pag-uusapan, ask me. Ask Atty. Gaby!

Atty., ano po ang puwedeng kaharapin ng mga nagpo-photocopy na nga ng pera, ipinopost pa online?

Hindi basta simpleng biro ang pagpo-photocopy ng pera.

Sa ilalim ng mga regulasyon ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas, ipinagbabawal ang pagre-reproduce ng Philippine banknotes nang walang pahintulot ng BSP.

Hindi kailangang kamukhang kamukha. Kahit na gawin ninyong black and white o ibang kulay, lagyan ng katagang 'fake' o 'play money' only, hindi puwede at kailangan ng approval ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas para gawin ito.

'Yung iba, ginagawang envelope pang-ampao sa Pasko, ginagawang play money at binebenta sa online. Or ginagawang joke or meme nga. Pero bawal nga ang mga ito kasi nawawala daw ang integridad ng pera natin.

Maaaring pumayag ang BSP for educational or historical purposes, pero kahit ganu'n pa man, dapat ay hindi ito kasing laki ng tunay na pera — dapat 3/5 lang ang liit, or dapat 1 1/2 times ang laki.

Ang penalty ay kulong ng 5-10 years 'pag hindi sumunod dito

Of course, hindi na natin kailangang ipaalala pa na talagang krimen na mas mabigat ang tunay na pamemeke ng pera na nag-aattempt na maging kamukha ng perang ginagamit natin bilang legal tender o pambayad ng lahat ng utang at obligasyon natin. Ibig sabihin, you try to pass it off as real money. As in ginagaya pa ang mga safety features sa abot nang makakaya.

Ito ang tunay na counterfeting at ito ay isang krimen sa ilalim ng Article 166 ng Revised Penal Code.

Ang penalty dito ay reclusion temporal minimum o at least 12 years hanggang 14 years and 8 months na kulong at P2 million na fine or both.

Usapang pera? It is never a joke!

Kaya kahit meme o pang-content lang ang intensyon, mas mabuting iwasan ang pagpo-photocopy o pagpo-post ng reproduced banknotes nang walang pahintulot ng BSP.

Hindi lahat ng trending online ay legal gawin.

Ang mga usaping batas, bibigyan nating linaw. Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang-isip. Ask me, ask Atty. Gaby!