ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Teri Onor leads race for vice-mayor in Abucay, Bataan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Teri is expected to win via a landslide victory. Sitting pretty na si Dexter Dominguez dahil malaki ang lamang niya sa vice-mayoralty race sa kanilang bayan sa Abucay, Bataan. Nagdilang-anghel si Dexter nang sabihin nito noong panahon ng kampanya na magkakaroon siya ng landslide victory. Mula nang makumpirma ang kanyang tagumpay sa pulitika, naging kagalang-galang na ang bawat kilos ni Teri Onor. Lantad ang pagiging gay ni Teri pero dahil ngayong pulitiko na siya, magiging "pa-mhin" na raw siya. Iisang tao sina Dexter Dominguez at Teri Onor. Ayon kay Dexter, ang screen name na Teri ang kanyang gagamitin sa paglilingkod bilang pangalang punong-bayan ng Abucay, Bataan. Overwhelmed pa si Teri sa possible success nito sa katatapos na halalan kaya hindi pa niya napagpaplanuhan ang kanyang showbiz career. Incidentally, mukhang hindi papalaring manalo sa eleksyon ang mayor na runningmate ni Teri. - Philippine Entertainment Portal