ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Kwentong Kapuso: Hindi lang Web, nasa TV na rin sa Pilipinas at abroad


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kapusong Pinoy (abroad), magandang araw sa inyo. Saang sulok ka man ng mundo, halina at ikaw ay magkwento. Mga kamag-anak, kaibigan at ibang tao, malilibang at matututo sa mga karanasan mo. Ngayon, hindi lang mababasa ang iyong kwento, may exposure pa sa malawak na mundo ng telebisyon. Hindi lang ‘yon, ang pinagpipitaganang si Mike Enriquez ang magpapakilala sa iyo. Ibang Mike Enriquez ang makikita mo rito. Sabi nga ni Dr. Siegfried Perez: “Ang ganda pala magsalita ni Kuya Mike E. kapag malumanay at Ingles!" Hindi mo kailangang magpunta sa studio para dito. Lakipan lang ng litrato o video ang iyong kwento ng karanasan sa ibang bansa at tiyak na ‘in’ ka na rito. Maaaring ito ay kwento ng pagsubok, tagumpay, pakikisama sa ibang lahi, paninibago sa kapaligiran at kultura o kaya’y ang dahilan na nagtulak sa iyo para mangibang-bansa, o samu’t-saring karanasan sa ibang bayan. Dahil sa magagandang kwentong naiparating na rito sa Kwentong Kapuso -- isang mahalagang bahagi ng Pinoy Abroad section ng GMANews.TV – na-engganyo ang Review Philippines na maglaan ng oras para sa inyong Kwentong Kapuso. Ito ay sadyang para sa inyo! Kaya’t sa nakaraang apat na linggo ay napapanood na ang Kwentong Kapuso sa GMA Pinoy TV, ang international cable channel ng GMA Network, at maging dito sa Pinas sa pamamagitan ng QTV Channel 11 (Ch. 24 sa Skycable subscribers) tuwing araw ng Linggo, alas- 11 ng gabi. Upang mapanood ang video clips ng Kwentong Kapuso sa Review Philippines, i-click ang “more videos" sa Pinoy Abroad video frame at hanapin ito sa video library. Ang bahaging ito ay bilang pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga Filipino na nangibang-bayan upang magbaka-sakali para sa isang magandang bukas. Alam nating hindi lahat ay nagtatagumpay sa pangingibang-bansa. Subalit tagumpay man o pighati, kasiyahan o kalungkutan, bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang karanasan na maaaring maghatid ng babala o aral sa ating kapwa na maaaring nasa parehong sitwasyon, o kaya’y makaiwas sa katulad na pagkakataon. Katulad na lang ni Alona Fortier, ipinanganak at lumaking dukha sa Davao subalit nagsumikap upang makaahon sa kahirapan, hanggang pinalad siyang makatagpo ang kanyang kabiyak sa Canada. After she has become successful, Alona looked behind her past and has since been trying to share her blessings with the less fortunate by donating books, school supplies and other educational tools to students in Laguna, Negros and Davao. After Review Philippines featured her story for the maiden Kwentong Kapuso segment on Review Philippines last Aug. 11, Alona was overjoyed. “Thank you very much. My husband was able to see it. I never thought in my whole life na ganito ang resulta ng story ko." Dr. Perez and his wife, Desiree, also a physician, left the Philippines last February to try their luck in Gold Coast, Queensland, Australia. He worked briefly with a GMA Network subsidiary before going to medical school in 2000. “Even just on the plane going here, we were already welcomed to our upcoming work as doctors with a medical emergency in flight. "A passenger was having seizures and chest pain while we were still four hours away from our destination. Being two of only three foreign-trained doctors in the plane, we had the responsibility of attending to him. Inevitably, we advised the captain to do an emergency landing to ensure the safety of the patient. "After that exciting moment in mid-air, we stepped onto Australian soil with our luggage full of earthly possessions and our hearts brimming with hope," he said in his Kwentong Kapuso. Nitong Sept. 2, nasaksihan natin ang kwento ni Oliver Pineda Macale ng Pampanga tungkol sa parangal na kanyang tinanggap sa ikalawang pagkakataon bilang Nurse of the Year sa Good Samaritan Hospital sa Baltimore, Maryland, USA. Cum laude nag-graduate si Oliver sa University of Santo Tomas sa Maynila noong 1999. Oliver came to Maryland on April 8, 2002, a day after graduating with honors from Angeles University Foundation in Pampanga with Master of Arts degree in Nursing. While pursing his graduate program, he worked as a clinical instructor in the same university to (earn) for his tuition. Noong isang taon ay tinanghal siya bilang Nurse of the Year for Professional Practice. "We watch GMA Pinoy TV here in Baltimore all the time through direct TV," sabi ni Oliver matapos na malaman na ipalalabas sa telebisyon ang kanyang kwento. Ayon sa kanya, mahigit 80 ang Filipino na nagtatrabaho sa Good Samaritan Hospital-Baltimore at nagpaplano na sila ng acquaintance gathering sa Oktubre. May dagdag pa siyang kwento: “I’m actually updating their addresses because we are planning to have a Pinoy gathering on the 5th of October in the hospital 4pm-8pm as part of the hospital recruitment and retention program. The president and the vice president of the hospital and the HR will all be there! Thank you very much!" Mula naman sa Africa, tuwang-tuwa ang kababayan natin na nagpapatago sa pangalang Marie nang malaman na pwedeng maipalabas sa telebisyon ang kwento ng mga kamalasan na kanyang inabot bago matagpuan ang swerte sa Sudan. “Salamat naman at nagustuhan ninyo ang aking kwento. Pumapayag po ako na maikwento sa television ang buhay ko, lalo na po at si Mr. Mike Enriquez ang magbabasa. Idol ko po siya. Thank you very much sa pagpapahalaga sa aking kwento. More power and God bless," sabi niya sa e-mail sa Pinoy Abroad. Noong isang linggo, nagpadala siya muli ng e-mail. “Napanood ko po ang video. I showed it to my officemates and they are very happy kasi nasa TV daw sila sa Pilipinas." Taga-Negros Occidental si Marie. Binalak niyang mamasukan bilang caregiver sa London, nabiktima ng illegal recruiter na nangakong ipadadala siya sa Ireland. Nang mabigong makapunta sa United Kingdom, Dubai naman ang kanyang pinuntirya subalit sa Sudan naipadala. Noong una’y sa abusadong amo nasadlak subalit ‘di naglaon ay nakatagpo ng mabuting amo at ngayon ay kuntento na siyang nagtatrabaho sa isang airline company sa Khartoum, Sudan. “Malaki ang pasasalamat ko sa naging amo ko ngayon. Kung may masasama na Sudanese, may mababait din. "Sa ngayon 2 years na ako dito sa trabaho ko, at sa awa ng Diyos, malapit na akong mag bakasyon sa atin. Makikita ko na din ang pamilya ko, na hindi ko nakita for almost 3 years," kwento ni Marie. Payo ni Marie sa mga nagbabalak mangibang-bayan: “Maniwala kayo sa inyong kakayahan at huwag magpapatalo sa pagsubok na dumarating sa ating buhay." Sigurado, may maganda ka ring kwento kung saan kami ay matututo. Ano pa ang hinihintay mo, halina at maging bahagi ng Kwentong Kapuso. Ipadala ang iyong kwento sa pinoyabroad@gmanews.tv. Kung may kalakip itong litrato o video, abangan ito sa Kwentong Kapuso segment ng Review Philippines sa GMAPinoy TV o sa QTV Channel 11. Kapuso, hihintayin namin ang iyong kwento. Salamat sa iyong pagtitiwala. Nangangako kaming lalo pang pagbubutihin ang serbisyo bilang kapalit sa iyong respeto. Para sa serbisyong totoo, Tita Tita GMANews.TV