ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mga Kapuso at KaPaskong Pilipino: Kwento ka naman tungkol sa Pasko!
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kapusong Pinoy, magandang araw sa iyo! Sa mga panahong ito na papalapit na naman ang Pasko, marahil ay naaalala mo ang mga karanasan ng kasayahan, pagbibigayan, pagmamahalan at, siyempre, gastusan (para sa palitan ng regalo at handaan). Naiiba raw ang Pinoy sa pagdiriwang ng Pasko, kayaât marami sa ating mga Kapuso sa malayong bayan ay buong taon na nagtitipid upang makauwi at makapiling ang mga mahal sa buhay sa panahong ito. Bakit nga ba? Paano ba naiiba ang pagdiriwang ng mga Pinoy sa ibang lahi, sa ibang bayan? Saan ka mang sulok ng mundo naroroon, marahil ang Pasko ay pinakahihintay mo. Tayong mga Filipino, âdi bale maubos ang sweldo, makapagbigay lang ng aginaldo. Iba namaây tinataguriang kuripot sapagkat umiiwas sa mga namamasko. Aba, kawawa naman ang mga inaanak na umaasa sa regalo mo. Ilang araw na lang at Pasko na, may pang-regalo ka na ba? Ang mga Balikbayan box mo, naipadala na ba? Anuman ang paningin mo sa Pasko, inaanyayahan ka namin dito na magkwento, upang iba naman ay malibang, matuwa at ma-engganyo sa karanasan mo. Halina at magkwento ka. Simulan na at magbigay ligaya. Dito sa âPinas kapag umuuwi ka, naiiba rin ba ang kanilang selebrasyon kesa kung wala ka? Nagtutumba ba sila ng baka? O may litson bang may mapula at malutong na balat pagdating ng Noche Buena? Ang fruit salad ay karaniwan ding nasa mesa, kasama ang hamon at quezo de bola? Sopas ay isa pang paborito na pampainit upang maibsan ang ginaw dulot ng malamig na simoy ng hangin? Ibaât-ibang klase ng suman, bibingka, puto bungbong, kalamay, ube halaya, maja blanco, at sari-saring kakanin at panghimagas ay nakahain para sa kaarawan ng Lumikha sa atin? Ikaw, may hinahanap-hanap ka ba, pagkain, tradisyon, kapiling o anuman, kung Pasko? Ano ba para sa iyo ang diwa ng Pasko? May kahulugan pa ba na ipagdiwang ang Pasko sa panahong ito? Ito ba ay para lang sa regalo at pagsasalo-salo? Noong bata ka pa, paano naiba ang pagdiriwang ng Pasko? Pareho lang ba sa pagdiriwang ng mga kabataan ngayon? May mga pamahiin din at kasabihan sa pagdiriwang ng Pasko. May maibabahagi ka ba tungkol dito? Bawat tao, bawaât pamilya, bawat relihiyon ay may kanya-kanyang paraan ng pagdiriwang. Paano kayo naiiba? Marahil minsan ay malungkot, kadalasan ay masaya. Pero, sigurado kami may karanasan kang naiiba at hindi malilimutan. Maganda âyang ikwento sa iba, di ba? Hindi lang pang-entertainment, maaaring pamarisan pa upang maging masaya. O, ano, Kapuso, kwento na! Maaari mong ipadala ang iyong kwento by email sa pinoyabroad@gmanews.tv at ilakip din ang ilang impormasyon tungkol sa iyo, katulad ng tunay na pangalan at tirahan (kung saang bansa ka ngayon at ang lugar na iyong pinagmulan o kinalakihan dito sa Pilipinas). Paki-abiso na lamang kung nais mong itago ang iyong pangalan at tirahan upang itoây aming ma-protektahan. Kung may larawan or video clip kang gustong ilakip, mas lalong mainam. Maraming salamat sa patuloy mong pagtaguyod, Kapuso. Maligayang Kapaskuhan sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay. Kamiây maghihintay sa iyong kwento, Ang iyong mga Kapuso sa Pinoy Abroad at GMANews.TV
More Videos
Most Popular